CHAPTER 3

1 0 0
                                    


Jhustin's POV

Sunod sunod na yata ang mga kamalasan ang mga nangyari sa aking buhay. Ngunit oras ko na ba talaga ngayon? Nakatutok parin sa aking ulo ang kalibreng baril ng isang lalake. Hindi ko nakikita ang kanyang mukha sa kadahilanang madilim nga sa lugar na kinaroroonan namin. Ayoko mang isipin ngunit merong parti sa aking isip na nagbabagabag sakin kung totoo ba talaga ang mga nangyayari nagyon? Kung totoo ito bakit parang ni katiting na kaba ay wala naman akong naramdaman? Namanhid na ba yata ako sa mga nandaang araw ng aking pagluluksa?

Pero kapanipaniwala naman talaga lahat ng ito eh. Kung panaginip lang sana ito sana gumising na ako. Kawawa naman si Claire napakaaga pa nito para kunin siya.

Niyugyog yugyog ko ang katawan ni Claire. Napapansin kung humihinga pa siya ngunit wala parin siyang malay. Gusto ko sanang manlaban kaya lang parang madami dami sila. Hindi ko siguro makakaya ang lakas nila kung pagsasama samahin.

Parang mawawalan na ako ng pag-asa, buti nalang ay may biglang dumating. Parang tunog ng sasakyan ng police at umiilaw din na kulay pula at asul. Ilang sandali pa ay may narinig na kming boses na nagmumula sa megaphone.

"Sumuko na kayu. Napapaligiran naming kayu" rinig kong sabi ng isa habang papalapit nga sa amin.

Tinignan ko ang lalake na may hawak baril, ngunit parang walang bakas na takot ang kanyang nararamdaman. At nag salita pa ito.

"Anong susuko? Walang susuko saamin, kahit kunin pa kami ngayon ni kamatayan" sigaw naman ng lalakeng may hawak na baril. Itinuon niya sa amin ni Claire ang kanyang kalibre at kinalabit niya ito. Pero bat parang... parang ang pamilyar ng boses niya? Pero di ko naman malaman kung kanino?

"Itaas niyo na ang mga kamay niyo, sumuko na kayu. Kapag hindi pa kayu sumuko susugurin na naming kayu" pabalik na tugon naman ng police.

"Wala akong pakialam. Subukan niyo lang lumapit at ipuputok ko talaga ito" pagbabanta ng lalake.

"Pare tama na to, tumakas na kaya tayu" at ayun may nagsalita na ang isa pa niyang kasamahan.

"Hindi! Walang susuko! Ano tayu mga tarantado? Natatakot sa mga police" sabat naman ng isa pa nilang kasamahan.

Ako dito sa gilid ay naghihintay na ng tamang tiempo para makatakas kami ni Claire. Ilang Segundo pa ay nagkamalay na din siya ngunit ni isang salita ay wala man siyang sinabi.

Ilang sandali din ang lumipas at napapansin kung lumalapit sa saamin ang police, at nangnamataan ng isang lalake ito ay itinutok niyang muli saakin ang kanyang baril na nagbabanta muli.

"tumigil kayu, pag ako di makatimpi ipuputok ko to" sigaw ng lalake.

Nang marinig ito ng kabilang kupunan ay di sila nagpatinag at nagpatuloy lang sila.

Kaya ayun napapikit nalang ako dahil alam ko na ipuputok niya sa akin ang hawak niyang baril. Hindi nga ako nagkamali at di nga siya nag atubiling iputok ito saakin, kaya lang nagtaka ako dahil wala naman akong naramdaman na balang dumaplis sa katawan ko. Pero na rinig ko talaga ang napakalakas na pagputok nito papunta saakin.

Nang binuksan ko ang aking mga mata ay nabigla ako dahil nasa unahan ko na si Claire na nakahandusay. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid at hindi ko mawari bakit ginawa ni Claire iyon? Sinalo niya ang bala na dapat saakin mapunta. Bakit ba itong nangyayari?

Hindi ko na maiwasan na mapaluha sa mga nasaksihan ko. Pinilit kung ginising si Claire ngunit wala na, wala na siyang hininga at naliligo na siya sa kanyang mga dugo na nagmumula sa kanyang tagiliran.

PaubayaWhere stories live. Discover now