Kabanata 10

14K 486 79
                                    

Kabanata 10

Mine

Today is Marcus' birthday and I'm here at Kaia's house. I asked for a help on how to bake cupcakes. Marunong siyang gumawa no'n kaya sa kanya ako nagpapatulong. Umaga pa lang narito na ako dahil nakikita ko na rin sa sarili ko na papalpak ako nang papalpak sa paggawa nito.

Hindi nga ako nagkamali! Marami na rin akong nasasayang na mga ingredients. Ako rin itong naiirita sa sarili ko kahit na, supposedly, si Kaia naman dapat ang magalit, mainis at mairita sa kapalpakan ko... pero hindi, dahil tinatawanan niya lang ako na nagpadagdag lamang ng iritasyon ko para sa sarili.

Bakit naman kasi wala akong talento sa kusina? Siguro kung hinayaan lang ako ng mga magulang ko na makialam sa mga gawaing bahay, siguradong marunong ako.

"What the--El, your cupcakes!"

My eyes widened, seeing my burnt cupcakes for the nth time.

God, I really don't have talents for this. Nakakahiya. I am ashamed of myself right now. And thinking of Marcus... I don't know. Ang gusto ko lang naman ay bigyan siya ng maayos na birthday gift pero ano ba tong ginagawa ko? All I did was failed! A failure!

Ilang beses na rin akong inalok ni Kaia na siya na raw ang gagawa dahil palapit na nang palapit ang oras na pagdating ni Marcus pero pilit ko siyang tinatanggihan. Hindi ako susuko. May oras pa naman kaya hindi ko siya hinayaan. I just want to do this alone. I wanted to prove that I can do this also, that he is worth the effort. Gusto kong iparamdam sa kanya na espesyal siya. That he is not worthless. That he should not feel insecure kasi he is worth it.

Tsaka sapat na rin naman sakin ang tutorial ni Kaia. Malaking tulong na ito para sakin. Hindi ko kasi masasabing effort ko ito kung sa iba ko ipapagawa. Sana bumili na lang ako, 'di ba? Kaya sa huli, nagseryoso na lang ako't nagpursigi kahit na kanina pa akong pumapalya. Desidido ko pa ring gagawin 'to.

Sa hinaba haba nga ng panahon para pag-isipan kung anong pwedeng iregalo, nauwi lang ako sa pagbe-bake ng cupcakes para sa kanya. Hindi ko na rin tinangkang magtanong sa mga kapatid ko. Ayokong malaman nila na may feelings ako kay Marcus. Pakiramdam ko pipigilan nila ako kung sakaling malaman nila kung anong ginagawa ko. Kaya kahit nahihiya, si Nana ang nilapitan ko kagabi. Tinanong ko siya kung anong pwedeng iregalo sa isang kaibigan na hindi mahilig sa mga materyal na bagay.

Naalala ko na naman tuloy kung paano ako tingnan ni Nana kagabi. Mapanuya iyon. Parang nahalata niya yata ako kasi ramdam ko sa mga tingin niya na para bang inaasar niya ako. Pilit niya ring tinatanong sakin kung lalaki ba iyon. Of course, I didn't answer her.

Mabuti na nga lang kahit hindi ko siya sinagot, sinagot niya pa rin ako kung anong pwedeng ibigay. Sabi niya, ipagluto ko na lang daw ang taong 'yon... o 'di kaya naman ay ipag-bake. Kasi raw, may kasabihang 'the way to a man's heart is through his stomach'. Syempre, sinaway ko si Nana! Nakakahiya kaya. Talagang iginigiit niya sakin na lalaki nga ang pagbibigyan ko. Sobra sobra nga ang pag-iinit ng pisngi ko kagabi. Ni kanina nga, iba pa rin ang tingin niya sakin. Napapanguso na lang talaga ako't napapasimangot. Pilit ko ring iniiwasan ang mga makahulugan niyang tingin. Napakamapang asar kasi ni Nana! Hindi ko nga alam kung magandang ideya ba na nagtanong ako sa kanya o hindi. Hindi ko rin alam kung paano uuwi ng normal mamaya, sa takot na asar-asarin niya ako. Alam niya kasing ngayon din ako pupunta ng birthday party dahil ipinagpaalam ko rin iyon kaninang breakfast sa parents ko.

"Sana naman perfect na ang kalabasan nito. Last chance mo na 'to. Ubos na lahat ng ingredients natin." Sabi ni Kaia kaya tumago tango ako.

"Sinunod ko naman lahat ng instructions mo. Siguro naman, kahit papaano, maayos na siya..." Sabi ko, kagat kagat na ang labi habang mariing nagdadasal.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon