Kabanata 35

9.3K 234 16
                                    

Kabanata 35

The Visit

Hindi ako nakasama sa site dahil sa sobrang dami kong na-missed sa trabaho. Pumayag naman si Marcus na manatili muna ako rito. Ilang linggo na rin ang nakalipas nang maging official kaming dalawa kaya nakaligtaan ko ng gawin ang mga trabaho ko. Kung hindi pa yata ako tinawagan ng sekretarya, baka hindi pa ako mag-insist na gawin ito ngayon.

Tanghaling tapat na at wala akong kalabas labas simula nang magising ako pero ultimo parang hindi nababawasan ang mga gawain ko.

Kung bakit ba naman hinayaan kong matengga 'to ng ilang araw? Kasalanan ko rin talaga!

Mabuti na nga lang hinatidan ako ni Marcus ng breakfast kanina kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagugutom.

Sa kasagsagan ng pagtatrabaho, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nabaling naman doon ang atensyon ko at sinagot iyon nang makitang si Jared ang tumatawag.

"Jared?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Kamusta ka na riyan? Maayos ka lang ba? Nabalitaan kong puro lalaki ang mga kasama mo at ni isang babae ay wala." Panimula niya agad.

Napakagat ako sa labi ko dahil naramdaman ko ang pait sa boses niya.

"Maayos naman ako rito. Huwag ka ng mag-alala. Tsaka mababait naman sila at alam nilang lahat na may fiance na ako." I assured him.

Narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga.

"I just don't want a guy around you while I'm not there. You know what I mean by that. Ikaw lang ang babae riyan, baka kung mapaano ka. I'm worried about you." Nag-aalala niyang sinabi.

Malungkot kong tiningnan ang engagement ring na nakasuot sa daliri ko. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang guilt na nararamdaman. Pero kasi kung ipagpapatuloy ko pa ito, hindi ko makakayang maging masaya. Hindi ko rin mapupunan ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin kasi noon pa man, si Marcus na talaga ang laman ng puso ko.

"Jared they are different, okay? Mababait sila, I assure you. Tsaka magda-dalawang buwan na ako rito. Look, nothing bad happened to me at tsaka kung may mangyari man sa akin, hihingi agad ako ng tulong and I will call you if ever something bad happen. Okay?" Pangungumbinsi ko.

"Okay fine. If my schedule got unloaded, I'll be there right away kahit na hating gabi pa iyon." Sambit niya.

"Okay." Malungkot kong sambit.

"Bakit hindi ka yata mukhang masaya?" Tanong niya.

Pinaypayan ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

"H--Huh? N--No! Nagbabasa kasi ako ng email na isinend sa akin ng sekretarya ko. Alam mo naman, hindi ba? Kahit nandito ako kailangan ko pa ring asikasuhin ang resort." Pagdadahilan ko.

I heard him chuckled on the other line. Samantalang todo ang pagpipigil ko sa sariling humagulhol dahil sa sobrang guilt.

"Oh right! I guess I need to hung up the phone?" Tanong niya.

"I'm sorry." Tanging nasambit ko pero punong puno iyon ng laman kahit wala siyang kaalam alam.

I'm sorry Jared. I just can't love you the way I love him.

"No. It's okay! I just missed you... so bad." Sambit niya.

Hindi ko na nakayanan iyon kaya mabilis kong pinatay ang linya. Sinapo ko rin ang magkabilang pisngi ko at nilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Bakit ba ganito? Bakit ba pinapahirapan ako? Hindi ko na alam. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya. And the hell with this life! Ayokong makasakit ng ibang tao. Hindi ko ginusto ang buhay na ito. But here, nakapanakit ako kahit hindi ko gusto. Si Marcus, I hurt him back then. I broke and wrecked him. And Jared, I know when the right time comes, I'm going to hurt him like what I did to Marcus six years ago.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Where stories live. Discover now