Kabanata 6

14.2K 490 98
                                    

Kabanata 6

Diskarte

The exam started. Lahat ng mga kaklase ko maging ako, tahimik na nagsasagot. Masyado kasing strikto ang taga bantay kaya walang nag-attempt na tumingin o sumulyap man sa katabi o kahit na sino.

Last day na rin ng exam namin ngayon pero lahat ng subjects para sa araw na 'to ay mahihirap. Puro cases and it's so damn bloody.

Nagsimula akong basahin ang pangalawang case. Iniisip ko kung anong pwedeng ilusot sa kaso kaya pilit kong inalala lahat ng inaral ko sa law subject namin.

Nang ma-recall ko ang naaral, kaagad ko iyong isinulat sa papel at maluwag na nakahinga.

Isang oras din ang nakalipas nang natapos ang exam. Hindi biro. Sobrang hirap kaya lugaw ang utak ko matapos. Ang nakakaloka pa, ang kasunod na exam ay case study tungkol sa mga kompanyang pinili ng professor namin. Kaya nang ibinigay ulit sa amin ang testpaper para roon, mabilis ko iyong binuklat. Halos malula nga ako sa sobrang haba ng bawat cases.

Pfizer, Microsoft at Nike, iyon ang mga napili ng prof na ipasagot sa amin. Ang sabi rito, pipili lang kami ng problema sa bawat company, tig-iisa sila tapos bibigyan namin sila ng tigta-tatlong alternatives. Tapos pipili kami sa tatlong iyon ng pinaka-angkop na solusyon para sa naging problema ng company na 'yon. Nakasaad din dito na kailangan din naming magbigay ng recommendations!

Nakagat ko na lang ang labi ko at inipon ang lakas para masagutan iyon. Hindi ko alam kung kaya ko itong tapusin sa loob ng dalawang oras, pero bahala na!

"You can do this, Ellaine." Pagmo-motivate ko sa sarili.

Napatingin ako sa unahan. Tumama ang mga paningin ko kay Marcus. Sobrang concentrate niya sa pagbabasa. Mukhang seryosong seryoso siya sa exam. Hindi na ako magtataka kung makakakuha siya ng mataas na score o baka maperfect pa niya iyon because everyone knows how smart he is. Hindi naman siguro siya magiging top one ng school kung hindi siya matalino kaya may palagay akong mataas na naman ang makukuha niya sa exams. Hindi na bago 'yon sa kanya... pati sa amin. Pero tuwing nalalaman ko ang mga results ng exam niya kahit may palagay na ako, hindi ko pa rin maiwasang humanga. Feeling ko nga, pwede na siyang humalili sa professor magturo. Mas magaling pa nga siyang magpaliwanag kesa sa mga iyon. I don't know if it's just me pero tuwing siya ang nagsasalita kapag tinatanong ng mga prof, mas naeengganyo akong makinig, mas nakakapokus ako kaya palagay ko, kung magiging teacher siguro siya, maraming matututunan sa kanya ang mga estudyante.

But suddenly, the thought of those students ogling and flirting with him made my brows furrowed. Parang hindi ko yata iyon nagustuhan. Ah, ewan!

Nagpatuloy akong magsagot. Inenjoy ko na lang ang sarili ko, hindi pinansin ang pagtakbo ng oras basta masagutan lang ng maayos ang exams.

...hanggang sa natapos ako, ngingiti ngiti kong pinagmasdan ang testpaper na batbat ng sagot. Walang likdang, ni walang spaces na makikita sa sobrang haba ng mga sagot ko roon.

Tumayo naman ako agad at ipinasa ang papel. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil sa wakas, natapos ko na ang lahat ng exams para sa araw na 'to. Agad din akong lumabas, kasama ang mga kaklaseng kasabay ko ring natapos.

Nga lang, puro sila reklamo paglabas. Hindi na lang ako nakihalubilo. Ayokong pag-usapan iyon. I feel exhausted and drained. Ayokong ma-stress. Ayoko ring makipagtalo sa kanila kung ano ang dapat na sagot doon. Nga lang, kahit na pilit ko na silang iniwasan, may lumalapit pa rin talaga at nagtatanong kung naging maayos ba ang mga sagot ko. Hindi ko na lang sila sinagot. Bagkus, nginitian ko na lamang sila.

Hanggang sa nakita ko si Kaia. Palabas na siya ng room at papunta na sa direksyon ko. Natawa naman ako habang pinagmamasdan siya. Mukha kasi siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Busangot na busangot ang mukha niya na animo'y nalugi.

Against the Waves (Acosta Sisters Series #1)Where stories live. Discover now