"COME on, kain ka lang. May request ka ba? We can tell it to the cook."
Magalang akong umiling bilang sagot kay Ma'am Laera. Pakiramdam ko tuloy ay napaka-special ko dahil tinatanong niya pa ako kung may nire-request ba ako. Medyo marami naman ang kumakausap saakin ngunit ang ibang tao ay tinitignan lang ako at nagbubulungan nalang bigla.
Totoo nga ang hula ko kanina, ako lang ang naka-sweater dito. Nakaka-out of place tuloy, grabe! Lahat kasi ng babae ay mga naka-dress, mga hapit pa sa katawan nila kaya naman hindi ko mapigilang mapa-hanga sa hugis ng mga katawan nila. Grabe rin ang ayos nila, pinaghandaan talaga tapos ako? Ito, dugyot lang.
Nasa isang malaking parihabang lamesa kami na puno ng mga pagkain. Dining hall daw ang tawag dito, base sa mga katulong na narinig ko kanina. Ang dining hall ay hindi ko inakalang sobrang laki pala. Alam mo yung mga kainan o 'di kaya'y mga canteen sa palabas? Mas malaki pa yata ito kaysa sa mga nandoon!
"So, how's your relationship with my son? Is he hurting you?" concerned na tanong ni Ma'am Laera at nang bumaling siya kay Leonoxx na katabi ko lang ay sinamaan niya ito ng tingin. "Leonoxx, ha! H'wag mananakit ng babae," pangaral naman niya sa kaniyang anak.
Wala sa sarili akong napa-ngiti nang sabihin ni Ma'am Laera 'yon. Nakaka-tuwa lang dahil dinidisiplina niya at tinuturuan niya ang kaniyang anak kahit na malaki na ito.
Kinagat ko ang labi ko bago inisip kung ano ba ang dapat kong isagot.
"Hindi niya po ako sinasaktan at wala po kaming... relasyon," nahihiyang sagot ko at napakamot nalang sa ulo ko kahit na wala namang makati roon para lang maiwasan ko ang tingin nila.
Nang yumuko ako ay nakita ko ang malaking kamay ni Leonoxx na halos sakupin na ang buong hita ko. Bahagya niya 'yong pinisil kaya naman pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng ingay dahil nakikiliti ako roon.
"You two aren't in a relationship?"
Muling umangat ang tingin ko nang may mag tanong saakin no'n. Hinanap 'yon ng mga mata ko at halos manigas ako nang makita ko ang kuya ni Leonoxx na seryosong naka-tingin saakin habang komportableng naka-sandal sa sandalan ng upuan at may hawak pang wine glass. Hindi ako nagkaka-mali, ang boses na 'yon ay galing kay Sir Lydrenn!
"Kuya," tawag ni Leonoxx. Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako o tama bang naririnig ko ang pagbabanta at awtoridad sa boses niya?
Lahat yata ng tao rito ay naka-tingin na sa dalawang magkapatid. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa paligid, akala mo nagco-compete si Sir Lydrenn at Leonoxx dahil sa pagtititigan nila sa isa't-isa.
"What is it now? Two brothers hitting on the same girl? Nakaka-stress kayo! You're a Montereighl, just go find other bitches there! You guys are ruining our dinner."
"Yllana! Watch your mouth!"
Shit! What's happening?!
Agad kong binitawan ang kubyertos at hinarap si Leonoxx. Nabaling din naman agad ang atensyon niya saakin dahil patago ko siyang kinukurot para ipakitang nagpapanic ako.
Sinakop ni Leonoxx ang buong kamay ko bago siya nag salita.
"Please excuse us, Zein's panicking. Thank you for the food."

YOU ARE READING
Babysitting the CEO's daughter
RomanceCompleted (Revised) Maxzein, a 19-year-old girl who struggles to care for her sick sister after losing both of their parents. Desperate find ways to own money to pay hospital bills, take on a job as a babysitter for the daughter of a renowned model...