15

988 70 7
                                    

"MAY problema ka po ba, ate Zein?"

Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti bago ako umiling. Beside me is the girl I love in the whole universe. It's saturday, a leisure and a relaxing day but my body refuse to relax because I feel so stressed and tired at the same time. Everything is just making me tired for no reason at all, it's like a surprise - an unpleasant surprise.

My body is starting to lose weight. I'm starting to have pimple breakouts. I'm getting lazy each day that passes. That's what staying at him caused me. I love my work, God knows that but sometimes, all I want is to be alone and free myself from my thoughts, my stress and many more.

"Ang tahimik mo kasi, ate. Hindi ako sanay sa'yo, inaway ka ba ni Sir Leo?" kuryosong tanong pa ni Zerixa.

Tahimik ako dahil wala naman akong sasabihin sa kanya na importante at wala rin naman ako sa mood para makipagkulitan at kwentuhan sa kapatid ko pero kahit na ganoon, gusto ko parin siyang makasama dahil tuwing sabado ko lang naman siya nakikita. Ito ang unang sabado na ganito kami katahimik, hindi nag-uusap at wala ni-isa saamin ang gustong mag salita.

I exhaled. "Sorry, Zeri. May iniisip lang si ate ngayon at hindi ako inaaway ni Leo, huwag kang mag-alala." pagpapanatag ko sa loob niya.

Yung isang linggo, parang isang taon na saakin. Natural lang naman ang mga araw ko sa nagdaan na isang linggo, mag-aasikaso ng mga bata tapos kapag gabi, yung tatay naman nila ang inaasikaso ko. Gusto ko pa rin umalis pero may choice ba ako? Wala naman. Kung gagamitin niya ako, ayos lang hangga't patuloy ang pagpapasahod niya at pagsagot ng mga gastusin ni Zerixa. Quits kami pero masakit pa ring isipin na yung taong gusto ko ay gusto lang akong makasama dahil kamukha ko ang ex niya. Natatawa ako sa tuwing naalala ko 'yon, sinabi niya saakin na hindi ko raw kamukha ngunit ginagamit niya ako para lang maka-move on dahil kamukha ko ang ex niya.

Sino'ng tanga ang gagawa no'n, hindi ba?

"Alam mo, ate, hindi ako sanay sa pagka-tahimik mo. Feeling ko may problema talaga."

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, hindi siya maniniwala saakin.

"Ayos lang ako, beh. Strong si ate mo, ano ka ba," ani ko at nagkunwaring tumawa.

Pinanliitan niya ako ng mata na nagpapahiwatig na nagdududa siya sa sagot ko.

"Ay nako 'te. Ayaw mo pang sabihin sa'kin yung totoo, ako lang naman 'to oh!" sambit niya. "Dali na, ate. Ano ba kasing bumabalabag sa'yo? Nakakatakot ka."

Kumunot ang noo ko. Ako? Bakit naman ako nakakatakot? Ano'ng ginawa ko?

"Nakakatakot lang kasi... kasi baka mag sowisayd ka tulad no'ng narinig ko sa papa Dudut, nag sowisayd kasi problemado! Kasalanan daw sa Diyos ang pagkitil sa sariling buhay, ate. 'Pag ikaw napunta sa impyerno, hindi mo na makakasama sila Mama. Sige ka!"

Ano?!

Napa-hagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Grabe naman pala mag overthink ang kapatid ko, iniisip kaagad na magsu-suicide ako? Hindi naman ako gano'ng tao, jusmeyo! Kahit ano mang problema ang kaharapin ko, hinding-hindi pumasok sa isipan ko ang magpakamatay dahil sino na ang mag-aalaga sa mga taong mahal ko? Paano nila makikita everyday ang ganda ko?

"Huwag ka na nga makinig sa radyo, Zerixa. Kung ano-ano natututunan mo eh," ani ko sa kalagitnaan ng aking pag-tawa.

Pinagkrus ni Zeri ang mga braso niya at sumimangot. "Baka naman pabigat na ako sa'yo, ate? Gusto mo 'wag mo nalang ako ipagamot para iwas gastos."

Babysitting the CEO's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon