GAVREEL POV

78 1 0
                                    

Hindi naman nawala si Cai sa isip ko. Hindi ko lang talaga alam kung tama bang piliin ko pa rin siya kahit alam kong ako ang nasasaktan. Gusto kong piliin ang sarili ko. Binigay ko na lahat lahat kay Cairo, siguro kung talagang kami, kami talaga. Pero di ko ipipilit.

Gavreel: Hello? Pearl? Manila na ko. Asan ka?
Pearl: Ang aga aga mo namang tumawag babe! May muta muta pa ko. Anong asan ako? Edi nasa kama ko
Gavreel: Coffee?
Pearl: Hay nako Gavreel Alarcon! Magbe beauty sleep pa ko, jetlag lang yan. Itulog mo yan
Gavreel: Punta ka later ha?

Pagkatapos ng dalawang taon, I'm finally back to Manila. After that incident, nagbook ako agad ng plane ticket at lumipad papuntang London. Alam ko lang, na I have to... Alam kong hinahanap ako ni Cairo. Pero tama na.. Kung nag give in ako sa kanya noong araw na yun..

Ewan ko nalang. Sa araw araw paliit ng paliit ang respeto ko sa sarili ko sa kagustuhan kong ibigay lahat ng gusto ni Cairo at hindi siya masaktan. Mahal ko si Cairo pero di ko kayang mawala at maligaw nalang along the way. Baka pati ang Gav na nakilala niya mawala nalang din.

Hindi ko alam kung ilang oras na kong gising. Di na ko nakabalik ng tulog ko. Di ako makapaniwalang maiisip ko si Cairo pagbalik ko ng Manila. Biglang dumating si Pearl

Gavreel: Katok na katok naman to
Pearl: Ano ba kasing ginagawa mo? Obviously di ka naman mukhang bagong gising
Pearl: Anong gagawin mo dito? Bat bumalik ka pa? May babalikan ka?
Gavreel: Babalikan? Ikaw... Ikaw ang binalikan ko, kawawa k naman wla ka kapitbahay
Pearl: Luh? Maangmaangan school of acting

Tinignan ko lang si Pearl. Ano sasabihin ko? Di ko naman hawak si Cairo.

Dalawang taon? Babalikan? Bakit mo naman babalikan ang isang taong nangiwan nalang bigla at hindi nagparamdam? Hindi lahat ng bumabalik may binabalikan. Hindi lahat ng hinihintay ay nagpapahintay.

Alt EndingWhere stories live. Discover now