CAIRO POV

69 1 0
                                    

Cairo: Sure ka na ba talaga na di ka sasama pa-Manila master?
Wesley: Sure na sure! Ikaw ba sure ka na dyan?
Cairo: Oo... Naman...
Wesley: Basta alam mo naman na pwedeng pwede ka umuwi anytime diba?
Cairo: Thank you Wes..
Mama Leila: Basta magiingat ka dun ha, wag mong kalimutan na tumawag at magsabi kapag may kailangan ka
Cairo: Opo Ma, salamat talaga
London: Cai, wag puro boyfriend ang atupagin ha, magtapos ka na muna
Cairo: Kuya naman...
London: Nagsasabi lang ako. Para may usapan tayo

Kinabukasan ng graduation lumipad din ako agad sa Manila. Hindi natuloy ang pagbenta ng condo, kaya dun ako nagstay. Kaya ko naman na siguro magisa.

Send to: Mama Leila
Ma, andito na po ako sa Manila. Settled na din po ako dito sa condo

Ngayon nalang ako ulit magla-live stream..

Caimazing: Hello guys, kamusta naman kayo? Pasensya na natagalan pagla-live ko. Alam niyo naman, school first. Samahan niyo ko maglaro tonight guys

Cairo: Guys, wag na natin hanapin yung wala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cairo: Guys, wag na natin hanapin yung wala... Move on na tayo

Hindi ako makapag focus dahil ang mga nakikita ko sa screen puro hinahanahap si Gav.

"Asan si baby mo?"
"Bakit kayo naghiwalay ni Gav?"
"Totoo hiwalay na sila ni baby niya?"
"Kaya pala Caimazing na ulit"

Pearl: Babe!!! You're back!! Finally!!!

Nagulat ako ng nakita kong nagcomment si Pearl! Hala! Ngayon nalang kami ulit nagkausap.. Pero mas nagulat ako sa sunod na nakita ko sa screen

Gavreel Alarcon is watching

Pagtapos ng live ko ang unang ginawa ko eh yung imessage agad si Gav. Bahala na. Miss na miss ko na siya..

Kaya lang sineen niya lang ang message ko. Naubos ang oras ko kakahintay sa gabing yun sakanya, iniisip kung tatawag ba siya o magrereply. Pero hindi eh.. Wala..

Nung nagkakilala kami ni Gavreel hindi naman siya ganito. Alam kong sobrang lambot lagi ni Gavreel. Hindi siya makakatiis na di ako kulitin sa tawag at chat niya. Pero dalawang taon ang nagdaan...

Tulad pa ba kami ng dati? May kami pa ba?

Iniisip isip ko ang mga what ifs ko kay Gavreel biglang tumunog ang phone ko at si Pearl yun! Sinagot ko kaagad at humarap sa camera

Pearl: Baby booooy!!!
Cairo: Pearl!!!! Kamusta!!!

Halos wala akong maintindihan dahil tili lang ng tili si Pearl sa kabilang linya.

Pearl: Let's meet tomorrow!!! Sa usual coffee shop natin ni Gav! I am excited to see you!
Cairo: Pearl kasi...
Pearl: Hay nako Cairo! Tigil tigil mo ako sa kasi kasi mo ha! Two years kayong nawala ha! Iniwan niyo ko
Cairo: Kayo???
Pearl: Ah, eh, basta! Bukas ha! Bayiiieee!!

Nauna pa ko kay Pearl. As usual. Lagi naman talaga akong nauuna sa kahit anong lakad naming tatlo..

Pagkatapos kong mag order, nagbanyo muna ako saglit at paglabas ko nakita ko kaagad si Pearl kakapasok lang ng coffee shop.

Cairo: Pearl!!

Kaway ko kay Pearl.

Pearl: Cairo!!!

Patakbong paglapit ni Pearl sakin, pero hindi ako sa kanya nakatingin, sa likod niya... sa pintuan.. sa kasunod nya sana.. Pero di naman nagbukas uli ang pinto. Tumingin pa ko paikot sa buong coffee shop.

Pearl: Sino hinahanap mo? May hinihintay ka?

Wala siya.

Alt EndingWhere stories live. Discover now