CAIRO POV

112 3 0
                                    

2:00 AM

Ayokong magsisi na hindi ko nasabi kay Gavreel lahat ng naiisip at nararamdaman ko. I wasted 2 years of our lives.

Cai: Alam ko namang hindi na tulad ng noon Gav, pero dahil andito naman na din ako gusto ko sanang lumaban at itry Gav
Gav: Hindi naman kailangan
Cai: Pero gusto ko Gav.. Sa 2 yrs na yun, wala akong ginawa kundi hintayin ka at mahalin ka sa sarili kong paraan. Di naman nawala sa isip ko na magkikita tayo ulit eh

Nakatingin sakin si Gav habang nagsasalita ako, inalis niya ang espasyo sa gitna naming dalawa..

Sinandal ni Gav ang mukha niya sa balikat ko.. Pabalik balik niyang diniin kundi ang noon niya eh ang pisngi niya sa balikat ko.

Tumigil siya at inangat ang mukha pero hindi siya lumayo. Walang akong luha na nakita sa mata ni Gav pero nang buksan nya ito, pulang pula..

Gav: Gustong gusto kong magalit sayo Cai, gustong gusto ko magtanong sayo asan ka ng 2 taon, bakit di mo ko hinahanap, bakit hindi ka tumatawag, bakit si Pearl ang kinakausap mo? Gustong gsto kitang paalis nang nakita kita sa labas ng pinto ko. Gusto kitang ipagtabuyan.. Gustong gusto kong ikwento sayo lahat ng nakita ko sa London, gusto kong ikwento sayo lahat ng natutunan ko at mga napuntahan. Gusto kong sabihin sayong namiss kita, gusto kong sabihin sayong mahal kita.. Mahal naman talaga kita. Pero tuwing makikita kita, nakatingin sakin parang bumabalik lahat ng nangyari noong quarantine. Parang kayang kaya kong kalimutan lahat ng ginawa ko ng buong 2 taon. Kasi ayun ka sakin eh. Kaya kong gawin ang lahat para sayo Cai. Pero mas malakas yung boses sa isip ko na nagsasabi saking "I deserve more.." I will never forget what we had. You'll probably the greatest thing that could ever happen to my life.. Pero hindi ko kayang mawasak ulit.. paulit ulit.. Para lang makita kang masaya at buo.

Tumulo ang luha ni Gavreel, I know I lost him, di ko alam kailan pa pero wala na siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alt EndingWhere stories live. Discover now