CAIRO POV

61 2 0
                                    

Hindi ako makapaniwala, andito siya sa harap ko. Si Pearl ang inaasahan niyang dumating pero ako ang nakita niya, kitang kita ko ang pagkagulat ni Gavreel. Sandali pa siyang natigilan bago binuksan ng tuluyan ang pinto at pinapasok ako.

Kumuha si Gavreel ng sandong puti at agad na nagbihis. Unang tapak ko palang sa loob ng condo ni Gavreel ramdam ko na agad na di ako welcome. Hindi ko mapaliwanag. Pero ramdam ko ang pagkalamig ni Gavreel.

Tuloy tuloy sa pagkilos si Gavreel na para bang hindi ako dumating..

Pumunta siya sa kusina at tinanong ako

Gav: Kape gusto mo?
Cai: Siguro tubig nalang
Gav: Maaga pa ha, kumain ka na?
Cai: Nagkita kami ni Pearl kasi, nagkape na kami
Gav: Ah ok
Cai: Ba-

Natigilan ako, oo nga pala, wala nang kami. Natigilan din si Gav at napatingin sa akin.

Cai: I mean, Gav
Gav: Oh edi lunch nalang? Tara lunch tayo?
Cai: Gavreel...
Gav: Wait lang ha, tatawagan ko si Pearl, lunch out tayong tatlo
Cai: Kasi Gav-

Bago ko pa masabi ng tuluyan ang gusto ko, wala na sa harap ko si Gavreel. Nakapasok na siya sa kwarto niya at iniwan ako

Alt EndingWhere stories live. Discover now