Prologue

5 2 0
                                    





***

"Anak, wag kang magpaka lunod sa trabaho. Ingatan mo sarili mo anak. Ang katawan natin ang ating mga puhunan para makapag trabaho tayo ng maayos!" Si Mama.

"Oo naman Ma, kayo nalang yung pinagkukunan ko ng lakas!" Ngumiti ako kay mama matapos sabihin yon.

"Maghanap ka din ng lovelife, anak" sambit ni Mama, nag aayos kase si mama ng gamit para lumipat na sa mansyon.

"Ma, wala akong oras para riyan." Sabi ko habang tinutulangan syang mag ayos ng mga gamit.

"Hija, wag mo naman tuluyang kandaduhin yang puso mo anak." Si Mama.

"Ma, okay na yon. Wala na akong rason para umibig pang muli." Sabi ko bago tumalikod kay mama para kuhanin yung mga natitirang gamit sa closet ng apartment na 'to.

Pagkatapos naming magligpit, nagpadala na si daddy ng driver dito para maihatid kami sa mansyon.

"Ang laki talaga ng mansyon na ito, anak" nakangising sambit ni mama.

Tumango lamang ako, huminto muna yung sinasakyan namin, hinihintay na mag bukas ang gate dito sa napakalaking mansyon.

Hawak hawak ko yung strap ng backpack ko nung bumaba kami sa kotse. Inalalayan kami ng mga maids papunta sa sala kung saan nag hihintay si daddy samin.

Pagkapasok namin sa sala nadatnan ko sya. Yung taong nanakit sakin ng husto, my eyes began to birth tears. Ayoko nang umiyak. Ayoko na nakakapagod na! Ayokong umiyak sa harap nya.

Mama signalled me to sit, but my feet are not cooperating! He looked at me from head to toe, agad itong nag iwas ng tingin ng makita nyang nakatingin din ako sakanya.

"Daddy, bakit andito yan?" Turo ko kay Sky.

"I'm sorry, Star, akala ko mapapabilis iyong ididiscuss na case sakin ni Sky." Daddy smiled apologetically.

"I should go now, tito" si Sky.

Tumango lang naman si daddy saka naglakad na si Sky papuntang main door para makaalis. Pero lumingon muna sya sa gawi ko bago nagsalita.

"Star, can we talk?" Anito

"Wala na tayong dapat pag usapan," I said calmly.

"Please?" He begged.

"No,"

"Just a minute, please?" He said.

Tumango ako tsaka naglakad papuntang garden, "what now?" I asked.

"I'm sorry," sabi nya habang nakayuko.

"Hindi maibabalik yang sorry mo ang nangyari!" I fired back.

"I know, just– I'm sorry.."

Hindi ako kumibo at muli itong nagsalita.

"Did you regret.. loving.. me?" He asked.

"I don't regret loving you but sometimes I wish I had walked away at the start and left things at hello.." I casually said.

Hindi ito nagsalita kaya umalis nako roon para pumunta sa loob, sinalubong ako nina mama at daddy, Mama hugged me, and dad just kissed the top of my head.

"Are you okay?" Mama asked,

Tumango lamang ako tsaka hinigpitan pa lalo ang pagyakap sakanila.

Ayoko nang mainvolved pa sakanya, kahit sino man. I had enough pain, I suffered enough. Tama na, masakit parin. Kala ko tuluyan nang nag hilom iyong mga sugat ko pero hindi parin pala.

__________________________________________________________

:)

The Truth Untold - (SAU series #2)Where stories live. Discover now