01

3 0 0
                                    


"Anak, gumising kana, baka malate ka sa unang araw ng klase nyo." Si mama.

Agad naman akong tumayo tsaka lumakad na papuntang cr.

Pagkatapos kong maligo, kumain na ako ng agahan para naman may energy ako mamaya sa school.

"Anak, galingan mo sa school!" Sabi ni mama na kumakaway habang naglalakad na ako para pumara ng jeep papuntang SAU.

Nakarating nako sa SAU, tinungo ko muna yung dean's office para manghingi ng copy sa mga schedules ko.

"That's your schedule, and please expect na mga professionals ang iba mong kaklase." Sambit ng dean's head office.

Tumango lang naman ako saka ngumiti, nagpaalam narin ako na aalis na para mahanap ko kaagad ang first period ko, which is nasa malayo pa na building dito sa dean's office.

Naglalakad ako patungo dun sa building, nang aksidenteng magka banggaan kami ng isang babae, maganda sya, mayaman, parang kutis porselana.

"Excuse me miss! Tignan mo naman ang dinadaanan mo!" Bulyaw sakin ng babae, may kasama syang lalaki na ngumiti sakin ng paumanhin.

"I'm sorry, nakita mo din naman kase na may tinitignan ako sa papel. Sana ikaw nalang yung umiwas. Patawad." I said casually.

Unang araw ko palang sa school gantong bungad agad sakin. Grabe naman.

"So It's my fault?" She asked, nagpipigil ng galit. Ang maldita naman ng isang to nag sorry naman na ako.

"I'm sorry." Tanging nasabi ko, baka mapunta naman kami sa guidance office tsaka warningan ako ng first offense dito.

"Miss, whatever your name is! I can easily thrown you out of the campus!" Bulyaw sakin ng babae.

"Caily, di naman nya sinasadya." Sabi nung lalaking kasama nya.

"Ugh! Wala nako sa mood Sky!" Saka umalis ng dire diretso. Tumigil muna yung lalaki sakin at tsaka naglahad ng kamay.

"Hi! I'm Sky Alejo, you can call me Sky," Maligayang sabi nito.

Naglahad din ako ng kamay at saka ako nagsalita.

"Azalea Star Montero." Sabi ko.

"I'm sorry for that, mainit na talaga ulo non kanina pa. Inaasar kase sya ng bestfriend nya." Pagpaliwanag ni Sky sakin.

"It's fine" I said casually.

Tumango naman ito at sumenyas na mauuna na sya, nginitian ko nalang sya tsaka nagpatuloy na sa paglalakad sa building ng first period ko.

Nakarating ako sa building ng first period ko, hinanap ko muna yung room ko, naglalakad nako patungo roon nang makabanggaan ko si Sky.

"Sorry– hey! Dito pala first period mo?" He asked.

Tumango ako at ngumiti sakanya, ang gwapo niya, ngayon ko lang napansin ang ganda din ng mga mata nya kulay asul.

"Patingin nga ng schedule mo?"

Inilahad ko sakanya ang schedules ko, "ayun oh! Magkaklase pala tayo! Sabay na tayo?"

"Alright," I said.

Naglalakad na kami papunta sa room, tumigil kami kase nag sisimula na pala yung klase, na late tuloy ako.

"Ayun, patay late tayo,"

"Oo nga e, pasok na tayo." I replied

Pumasok na kami, pagkapasok namin sa room tumahimik yung buong klase.

The Truth Untold - (SAU series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant