02

6 0 0
                                    

A/N: yung first chapter is about kung saan at pano nagkakilala si Star tsaka si Sky. So moving on nasa law school na sila dito may mga spoilers naman dun sa ILTWYL about kina Sky at Star.

I was running from our apartment to our school. I'm really late, nag aya kase ng inom sina Caily tsaka Andrea kagabi. Sabi pa nila na wag daw akong mag-alala kase nasa lawschool din naman si Lucas. Hindi ako pumayag nung una pero pina inom ako ni Andrea ng Boracay para kasing tubig yon tapos inilagay niya sa water bottle. Kaya ayon nalasing ako! Buwesit sila.

Porket may mga trabaho na. Wala na silang inaalalang recit, exams, midterms! Ang mga gaga ah! Antayin niyo pag may 'Atty'  na sa unahan nang pangalan ko ipapakulong ko talaga kayong hinayupak kayo!

Nang makitang papa-akyat na si Atty. Vasquez papuntang classroom namin ay mas binilisan ko pa ang takbo ko para maunahan siya, jusko baka ako pa pag-initan pag nalate ako! Matagumpay naman akong nakalagpas sakanya.

Hinihingal ako pagdating sa room at umupo na sa tabi ni Cheska.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Tumango lang ako at kinuha ko yung tubig niya sa gilid ng bag niya. Parang bata nagdadala ng tubig, pero ayos na yon ako lang naman nakikinabang sa tubig nila kaya goods lang.

"Nahiya kapa, sayo nalang pati yung lalagyanan!"

Ngumisi ako nang napaka lapad sakanya at nagmamadaling ibalik sa bag niya ang tubig na naubos ko.

"Montero,"

Bumilis yung tibok ng puso ko! Di ko naman alam na matatawag ako ngayon! Nag-aral naman ako kagabi at kanina bago pumunta rito pero hindi parin ako kampante!

"Misprision of treason,"

"Every person owing allegiance to the Government of the Philippine Islands, without being a foreigner, and having knowledge of any conspiracy against them, conceals or does not disclose and make known the same, as soon as possible to the governor or fiscal of the city in which he resides, as the case may be, shall be punished as an accessory to the crime of treason."

Tumango si Atty. Vasquez at nagtawag na nang ibang magrerecit. Kinabahan ako dun ah! Buti nalang nag aral ako kanina!

"Wow naman!" Komento ni Cheska.

Inirapan ko lang siya at nag bukas ako nang libro para may basahin.

"Alejo,"

Nag angat ako ng tingin nang tawagin ni Atty. Vasquez si Sky.

"Crimes against public morals, article 195."

"Art. 195. What acts are punishable in gambling. — (a) The penalty of arresto mayor or a fine not exceeding two hundred pesos, and, in case of recidivism, the penalty of arresto mayor or a fine ranging from two hundred or six thousand pesos, shall be imposed upon:
Any person other than those referred to in subsections (b) and (c) who, in any manner shall directly, or indirectly take part in any game of monte, jueteng or any other form of lottery, policy, banking, or percentage game, dog races, or any other game of scheme the result of which depends wholly or chiefly upon chance or hazard, or wherein wagers consisting of money, articles of value or representative of value are made, or in the exploitation or use of any other mechanical invention or contrivance to determine by chance the loser or winner of money or any object or representative of value.  Chanrobles virtual law library. Any person who shall knowingly permit any form of gambling referred to in the preceding subdivision to be carried on in any unhabited or uninhabited place of any building, vessel or other means of transportation owned or controlled by him. If the place where gambling is carried on has the reputation of a gambling place or that prohibited gambling is frequently carried on therein, the culprit shall be punished by the penalty provided for in this article in its maximum period. Chanrobles virtual law library." Pagrerecit ni Sky.

Napanganga ako sa haba nito, mabuti nalang Treason lang yung akin kesa naman kay Sky na Crimes against public morals! Buti nalang!

"That will do," tugon ni Atty. Vasquez.

Hirap naman maging lawyer madaming readings, kailangan mo din ng time management, yayamanin na instincts jusko! Sina Cheska at Sky lang naman yung nagsasagutan kapag may mga di sila naiintindihan matatalino 'e! Kaya ako sumasali na rin.

"Hay, 90 sigurado grade mo sa recit!" Sabi ko.

"Maganda rin kaya recit mo kanina!" Sabi ni Sky habang naglalakad kami papunta sa malapit na cafe para doon mag aral.

Nakakatamad na! Pero ayokong sumuko, kung si Cheska matalino ako naman matatag. Once na sumuko ka kahit matalino kapa masasayang lang talino mo dito sa law school kapag sumuko ka, so better be survived than smart kung susuko ka rin naman. Patatagan nalang talaga dito.

"Lasagna and frappe akin," sabi ko habang nag oorder sa malapit lang na cafe sa school.

Kasama ko sina Sky, Cheska at Symba dito mag aaral kami syempre.

"Sana all hindi natawag sa recit kanina," pagpaparinig ni Sky kay Cheska.

"Mama mo sana all."

Hindi ko nalang sila pinansin at ang pinatuonan ko nang pansin ay ang mga pagkaing inilapag ng waiter sa lamesa namin.

"Paabot nga ng lasagna tsaka ng frappe." Sabi ko kay Symba at saka inabot naman niya agad sakin yon. "Thanks."

"Review review din Sky! Malapit na midterms."

"Takot kayo sa midterms?" Si Sky

"Ah hindi ka pala takot na hindi makapasa, okay." Si Cheska naman.

"Aanhin mo naman ang mataas na grado kung sa Adonis Gaybar ka lang naman pala mag t-trabaho HAHAHAHAHAHA" si Symba.

Sinamaan siya ng tingin ni Sky at nagsimula na silang kumain. Nagpipigil lang ako ng tawa dito sa gedli para hindi ako masapak ni Sky.

Nung pasubo na sana ako ng lasagna ay tsaka naman nag vibrate yung cellphone ko kaya napatingin ako sa cellphone na nasa lamesa lang.

"Hello po?" Ani ko.

"Star, yung isang libro mo andito naiwan mo ata.." si Mama.

Nanlaki naman kaagad yung mata ko. Gago nakalimutan kong dalhin yung codal ko! Mabibigat naman kase mga libro ko bwisit!

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Symba.

"Kukunin ko lang yung codal ko sa bahay, nakalimutan ko kase." Pagpapaliwanag ko habang lumilipad na yung isip ko sa naiwang codal.

"Samahan na kita," sabay sabi nila ni Sky at Symba. At nagkatinginan naman ang dalawa.

"I'll come with you,"

"Nasa parking lang yung kotse ko, Star."

"Ako na nga sasama sakanya para kayong mga timang!" Si Cheska.

"Mas mabuti pa nga," sagot ko.

Sinamahan nga ako ni Cheska sa apartment namin para kunin yung naiwan na codal ko, nagmamadali kase ako kanina buti nga at walang quiz ngayon.

"Ang ingay!" Reklamo ko sa tatlo na nagbabangayan.

Sabay naman silang tumahimik at bumalik na sa pagbabasa. Ang lapit na nang midterms puro bangayan lang aatupagin nila porket matatalino!

"Bahala kayo diyan," saway ko na naman sakanila. Tumahimik sila saglit kanina tapos balik ulit sa pagbabangayan amputa!

Di parin sila tumitigil kaya naman ay tumayo nako at naglakad palabas. Narinig kong tinawag nila ako pero wala na akong pakialam di ako makakapag focus sainyo. Sa lib na nga lang ako mag-aaral mas tahimik pa don.

:)

The Truth Untold - (SAU series #2)Where stories live. Discover now