03

3 0 0
                                    

Nakarating ako sa lib ng tahimik at umupo sa may malapit na bintana. That's my favorite view to study. Malayo rin sa entrance ng library kaya hindi kita dito kung sino ang pumapasok at lumalabas.

"Is this seat taken?" Tanong sakin ni Lucas.

Umiling ako at nagpatuloy na sa pagbabasa. Nag angat ako ng tingin kay Lucas na ngayon ay nag hi-highlights ng digest niya. Sobrang sipag naman ng mga tao sa paligid ko nap-pressure tuloy akong magsipag din.

Naging tamad lang naman ako simula nung nag law school, kase naman talaga ang daming ginagawa minsan nga hindi na ako natutulog may ma aral lang. Ang sipag ko kaya nung college alam nila Caily yon!

"Kamusta naman kayo ni Andrea?" Tanong ko.

"We're fine, malapit na matapos yung residency niya.." he said while his are still on the digest he's making.

Tumatango-tango ako na parang tanga, ang tagal na nila. Inaantay ko nalang din magka-girlfriend si Sky para maasar ko si Sky sa baho ng hininga niya kapag nag g-group study kami. Hays pati si Cheska at Symba ewan ko sakanila minsan di ako pinapansin lalo na kung obli yung subject.

"Stop moving your head, it iritates me." Mahinang sabi ni Lucas na parang tanga.

"K, whatever."

Nagsimula na ulit akong magbasa at mag take ng notes para sa mamaya. Nanghihiram lang ako ng libro sa library ang mahal kasi nila tapos hindi na kaya ng budget namin Mama para pambili.

"Pahiram din ako niyan ah?" Tukoy ko sa libro ni Lucas. Malapit na kasi talaga yung midterms kaya ang daming irereview.

He nodded. "Kailan mo ba gagamitin?"

"Pagkatapos mo nalang siguro,"

Hindi na niya ako pinansin dahil sobrang busy na niya sa pagbabasa kaya nagbasa nalang ulit ako. Kahit pala dito sa lib di parin ako makapag focus sa pag-aaral may mga asungot kasi!

"Omg girl! Look at that! That bitch is flirting with Lucas!" Sabi ng kung sino sa likuran ko kaya napalingon ako doon.

Sila na naman, parang mga etits napaka maissue. Inis kong binalik ang mga mata ko sa harap para harapin si Lucas pero nakatingin na siya sa likuran ko.

"Ayan kasi! Sa susunod wag na dito umupo ha?" Sabi ko sakanya habang nakanguso.

"Wag mo ng pansinin, sasabihan na naman agad nila si Andrea."

"Mga sipsip," pagpaparinig ko.

"What did you say?" Tanong ni Rexie girl na parang coloring book ang mukha ang daming inilalagay na kolorete sa mukha.

"Sabi ko mga sipsip kayo kay Andi, di naman kayo close." Sabi ko habang nakataas ang isang kilay. "Sige, kunwari support kayo sa relasyon nila Lucas tapos kapag naghiwalay, pipila agad kayo. Mga abangers amputa!"

"Excuse me! We're not abangers!!" Maarte nitong sabi.

"Excuse me din, umalis na kayo ang dami nyo'ng hanash gusto ko lang naman mag-aral!"

Nang umalis na ang mga pabebe girls ay humarap ulit ako kay Lucas na tumatawa na ngayon.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Ako naiistress sa mga bitch mo!" I spat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth Untold - (SAU series #2)Where stories live. Discover now