Chapter Seven

13 2 0
                                    

"Ba't bihis na bihis ka? May pupuntahan ka?"

Iyon agad ang tanong sa akin ni Papa pagkatapos kong lumabas ng kuwarto. Napalunok ako bago nagsalita. Kahit na memorized ko na ang excuse ko ay 'di ko mapigilan pa rin ang kabahan. Natatakot ako na baka mabuliyaso ang plano namin.

"May lakad po kami ng mga kaibigan ko," dahan-dahan kong sabi at pilit iniiwasan ang tingin ni Papa. Nahihiya kasi ako.

Tumango siya bago ibinuklat sa kabilang page ang newspaper na hawak niya. "Sige, mag-ingat kayo. Kailangan mo ng pera?"

Mabilis akong umiling. Sobra naman na ako kung kukunin ko pa ang pera na ibibigay niya. "Hindi na po. Aalis na po ako."

Nagpatigil ako ng tricycle at nagpadiretso sa plaza kung saan ko kikitain sina Sol at Reva.

"Picture na tayo," utos agad ni Reva nang ma-spottan ako. Agad kaming naghanap nang perfect na lugar kung saan namin maipakikita ang awkward na mga ngiti namin. Pinakita sa akin ni Reva ang pictures na kuha namin, pumasa naman, so far.

"Open mo Shareit mo," sabi ni Sol na ipinagtaka ko pero sinunod ko pa rin ang sabi niya.

May pinasa siya sa akin na isang audio clip. Kinuha ko ang earphone ko at isinalpak iyon para malaman kung ano ang ipinasa niya sa akin. Mahirap na. Itong mga kaibigan ko pa naman ay kahina-hinala lalo na pagdating sa kalokohan

"Yes po, tito. Kasama ko po siya." That's what the audio holds. Tumingin ako kay Sol at nakita kong nakathumbs up na siya.

"Nandoon na yata si Lot. Puntahan mo na," said Reva, urging me to go on. Hindi na ako nakipagtalo pa at nagtungo na sa meeting place namin.

Umakyat ako sa building at nagtungo sa Gau. Dahan dahan kong binuksan iyon at hinanap kung nasaan siya. Sumikdo ang puso ko nang magtama ang mata namin. The feeling is still the same, like what I have felt the first time our eyes interlocked.

Mabilis akong lumapit sa kanya at binigyan siya agad ng isang mahigpit na yakap. Ginantihan naman niya iyon ng isang mas mahigpit pa at naramdaman ko ang labi niya sa tuktok ng ulo ko.

I miss him. Badly.

"One week ka dito?"

"Yes." Hindi pa rin ako makapaniwala noong tinanong niya ako kahapon kung libre ako ngayon. Akala ko ay pinagtritripan niya lang ako. Nawala na rin kasi sa isip ko na may event na gaganapin sa Metro Manila kaya kailangang isara ang mga kalsada.

Nakalimutan ko na dahil sa course ko.

"I'll be able to drop you off and pick you up in school." Ngumiti ako sa turan niya.

"I love you."

Ngumiti siya. Nakita ko kung paano kumislap ang mata niya sa sinabi ko. "I love you too." Itinulak niya papalapit sa akin ang isang Wintermelon milktea at isang slice ng oreo cheesecake. I smiled when I saw those. He still knows my favorite.

Up until now, some things will never change. And I know my feelings were also included.

Natutuliro akong tumitingin sa paligid nang tangkain ni Lot na hawakan ang kamay ko. Agad ko naman itong binitawan.

We are currently in a public place, giving me paranoia that people I know might see us. Natatakot ako na baka isumbong nila ako kay Papa o kaya kay Mama.

"I'm sorry," I said sincerely. Mahina naman siyang tumawa bago tumingin sa mata ko na may lambing.

"I know. Alam ko naman na bawal. The only thing that matters is I'm your boyfriend. Kahit tago lang at least, may karapatan pa rin ako."

The Gem You Broke (COMPLETED)Where stories live. Discover now