Chapter Thirty One

8 2 0
                                    

Pinagbuksan niya ako ng pinto pagkatapos. Wala nang kaarte-arte na pumasok ako doon at naupo bago isinuot ang seatbelt.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kanya. Talagang pinatapos ko muna siyang isuot ang seatbelt niya rin bago magtanong.

"Maraming tao."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Isa lang ang binili mong item. 'Di ba may lane para doon?"

"Actually, dalawa," he corrected me before showing another bottle of water.

"Still, pasok pa rin iyan sa requirements para makapila ka doon." I gave him a scrutinizing gaze that caused him to gulp and look away. "Unless..."

"Nasaan iyong plastic bag?"

"Tinapon ko na," he answered quickly.

"Resibo?"

"Kasama doon."

Ang kaninang nakaangat kong kilay ay mas lalo pang umangat. "Don't lie," I said before presenting my hand. Isa sa mga bagay na alam ko sa kanya ay hindi niya basta basta itinatapon ang mga resibong nakakalap niya. I don't even know the reason behind that, but his hobby helps in situations like this. "Akin na?"

Kinamot niya ang ulo at napipilitang kinuha ang wallet niya para kunin ang resibo doon. Nakanguso at nakaiwas ang mata niya habang iniaabot iyon sa akin.

I forcefully took it from his grasp and scanned my eyes to what information it holds. My eyes were fixed to the certain part of the receipt where a brand of chocolate was printed there.

Marahas kong inalis ang tingin ko sa resibo at lumingon sa kanya. "Nasaan na?"

Walang sabi-sabing may kinuha siyang plastic bag sa ilalim ng upuan niya at ibinigay sa akin. Nakapagtataka kung paano ba niya iyon nailusot sa paningin ko samantalang ako naman ang naunang pumasok.

I took it and looked in what's inside. Kumibot ang labi ko nang makita ang mga bagay na sinususpetsiya ko kanina. Napansin kong mataman na pinagmamasdan ako ni Markian at halatang kinakabahan. "Drive," mahina kong utos na sinunod naman niya.

Kaya pala natagalan siya. May balak siguro pa rin siya na bilhin ito kahit hindi ako nauuhaw. Mantakin mo naman ba na basta na lang niya inilagay sa kung saan.

Saka ang dami-dami pa. Mauubos ba niya ito lahat?

"I'm sorry," he apologizes as I took one and opened it.

"Do you really like this specific type of chocolate?"

Tumango siya. "It's my comfort food."

Naiintindihan ko naman ang sinasabi niya. "Then you should have told me. Papayagan naman kita."

Nailing siya bago sumulyap sa akin. "Baka pagalitan mo pa ako. I don't want to anger you anymore."

"No," I firmly said. "What angers me is spending too much money on nonsense things, but since this is one of the things that makes you happy, this is an exception. You could have told me the truth. That's better than lying to me."

Lumamlam ang titig niya sa akin bago ngumiti. I kissed his cheek that caused him to smile more. "I love you. Tell me what concerns you, okay?Everything. I'll listen. Kahit na walang kwenta pa iyan." 

When he confessed about the chocolate earlier, it made me realize things. That, even after all these years of accompaniment he offered to me, I still don't know him that much.

And now, I can study him well like a specimen. I have the freedom to do what I wanted together with him. But there are still limitations, of course. Like not invading his decisions and messing with his own decisions.

The Gem You Broke (COMPLETED)Where stories live. Discover now