Chapter Sixteen

8 2 0
                                    

"Markian!" Sigaw ko sa kanya kahit nasa tabi ko lang siya. Naging dahilan iyon nang pagtakip niya sa tenga niya at pagsama ng tingin niya sa akin.

"I'm just an inch away from you! Maghanap ka ng pagkakaabalahan mo! Busy ako!"

Ngumuso ako. Nanonood lang naman siya. Ano bang mayroon doon? Balita lang naman. Pinapataas niya lang ang bayarin sa kuryente namin eh.

"Hindi sana kita pinipeste dito kung may pupuntahan sana ako ngayon," reklamo ko bago sumandal sa balikat niya at kinuha ang unan para yakapin nang mahigpit. "Iyong pamilya niyo talaga ghosters!"

"Bakit na naman nasama iyong pamilya ko?"

"Hindi ko na nakita iyong pinsan mo after ng pangalawang date namin." Where did it all went wrong? Masaya pa nga kaming naghiwalay ng landas no'n eh. Nagpahiwatig pa nga kami ng third date sa isa't isa pero after that, wala nang pakiramdamanan.

Ghinost ako ng walanghiya!

"Oh, baka nagsawa na siya."

Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya. I heard him scowl. "Ano ba kasing mali sa akin?" I mumbled.

"Walang mali sa'yo," tipid niyang sagot.

"Bakit hindi na siya magparamdam?"

Nagkibit-balikat siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pinanliitan ko siya ng mata. "May sinabi kang masama tungkol sa akin, ano?" Pang-aakusa ko.

"Why would I do that? Sa tingin mo kaya kitang siraan sa iba?"

Hindi ako nakasagot agad at tumungo. "Sorry..."

"Just remember if a man disappeared without any reason, he is not a man. He's not your man."

Ngumuso ako. "But Angelo and I matched... can't you convince him to meet me again?" I asked, my voice sounds hopeful.

His eyebrows furrowed and he sighed out of frustration. Mukhang nagtitimpi na lang siya.

"Pwede bang ibahin na lang natin ang topic at magfocus na lang sa iba?"

"But what if he's the one?"

"Akala ko ba you are a strong, independent woman. Bakit may paganyan na?"

"You introduced me to the thought of having someone beside me. Kasalanan mo kaya! Nananahimik ako eh, tapos paiisipin mo ako ng ganoon," paninisi ko.

"Discard that thought off your head. You can function well alone. Pwede kang maging masaya at sumaya sa sarili mo lang."

"Alone," I whispered under my breath. "Years from now, my friends will get married. They are still there but they got their priorities. Tignan mo ngayon, single pa rin kami pero hindi na masyadong nag-uusap dahil may priorities na kami kahit ngayon. What more pag may pamilya na sila? I'll be left all alone."

I guess I don't want to be an independent woman if I want company also.

"Sinong nagsabing mag-isa ka lang?"

Malungkot akong tumingin sa kanya. "We'll be alone together," pagdagdag niya sa nauna niyang sinabi at hinuli ang kamay ko para hawakan iyon nang mahigpit.

Pagak akong ngumiti. "Please, why would you want to suffer with me?"

"Kasi pinapahirapan kita ngayon. Inaaksaya ko ang oras mo kaya pahirapan mo ako sa susunod."

"Sira."

"We'll build a house for the two of us then maybe adopt a dog. Doon lang tayo hanggang tumanda tayo. Tapos pag uugod-ugod na ako, hugasan mo ang pwet ko ha?"

The Gem You Broke (COMPLETED)Where stories live. Discover now