Chapter Ten

13 2 0
                                    

Kauupo ko lang sa sofa nang may nag-doorbell agad. I puffed my cheeks. Bakit ba ang malas ko?

Mag-isa na nga ako ngayon dito sa apartment dahil wala si Reva pero hindi pa rin ako makapagpahinga. Na-late na nga akong nakauwi dahil nagkaroon ng emergency meeting. An earthquake occurred yesterday, destructing some of the establishment our company has built. Kasama ako sa team na nag-asikaso doon dati. We have to take actions urgently sa kung anong gagawin sa mga nasirang buildings. Mahirap na at baka maunahan pa kami ng media.

Our materials used were not substandard. Sadyang malakas lang ang lindol kaya ang mga hindi inaasahan na magigiba ay nagiba.

Tamad at padabog akong nagtungo sa pinto. Alam kong naghintay ang taong kasalukuyang nasa likod ng pinto dahil sa tagal ko.

Binuksan ko iyon at sinilip para lang makitang nasa harap si Markian at nakangiti sa akin.

I rolled my eyes before placing my hand in my waist. "Anong ginagawa mo dito? Kulang ako sa tulog. Bukas ka na lang manggulo."

"Maggrogrocery ako ngayon."

I yawned. "The last time I checked, malayo ang mall dito sa amin."

"Aalis tayo."

"Wala tayong usapan na may pupuntahan ngayon."

"Meron na ngayon," pangungukit niya na ikinasama ng tingin ko.

"Tumahimik ka na, Markian, ha. Baka hindi kita matantiya. Alis na."

He laughed. "Sungit talaga ni Tori, as usual."

"Markian, isa!"

"Inutusan ako ni Mommy na mamalengke."

"Bakit ka nandito? Hindi ako kasama sa bibilhin. Masyado akong mahal. Sorry."

"Yeah. Masyado kang mahal. Magkano tatlong oras mo? Samahan mo ako, bayaran kita," pagsakay niya sa trip ko kaya pinandilatan ko siya. Pagdating talaga sa lalaking ito, kahit na gustuhin mong matapos na ang convo, mas lalong humahaba dahil sa kanya.

"Markian, dalawa!"

"Sige na," ungot niya. He even pouted his lips. Hah, as if madadala ako sa ganyan.

"Fine," pagsuko ko sa kakulitan niya. "But I won't change. Tinatamad na ako. Pagbalik ko naman ay matutulog na agad ako."

Tumango siya at pinagsadahan ang suot ko. "Nothing's wrong with your clothes, after all."

I'm just wearing a jogging pants and plain shirt. Tipikal na sinusuot ko pag nasa bahay lang ako.

Bumalik muna ako sa loob at kinuha ang susi ng apartment. Dinampot ko na rin ang wallet ko in case na may matipuhan akong bilhin mamaya.

I did not bother to inform Reva of where I'm going. Baka kasi maunahan ko pa siyang makabalik dito. Bukod kasi sa meeting with the clients, baka sunduin din siya ni Rex para magdate mamayang gabi kaya baka late na siyang makauwi mamaya.

Surprisingly, her relationship with Rex is the best so far. Siya na rin ang pinakamatagal.

Idinantay ni Markian ang braso niya sa balikat ko. Hindi ko na tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin dahil wala na iyong kaso sa akin. Sa taon ba naman na nakasama ko siya, sanay na ako sa presensya niya.

Natigil ako sa paglalakad nang mapansin ko ang dala niyang sasakyan papunta dito. I blinked twice before looking at him. Sinamaan ko siya ng tingin.

"What?"

"Bago na naman sasakyan mo?"

Nagkibit-balikat siya. "Suweldo."

I gave him a sardonic laugh. "What a lame reason. Hindi gaanong mataas ang sweldo natin."

The Gem You Broke (COMPLETED)Where stories live. Discover now