Chapter 28

11.6K 293 16
                                    





"Jade sigurado ka ba dito? Pupunta talaga tayo???"tanong ni Ali kay Aberry habang naglalagay kami ng mga damit sa duffle bag namin, wala eh pupunta daw kami ng birthday.

"Napasubo na ako eh," buntong hininang sagot ni Aberry sa aming dalawa ni Ali, habang mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa itsura niya ngayon.

"Oo nga sureness ka na ba dito gurl," tanong ko habang tinutupi ang swimsuit na dadalhin namin, dahil narinig ko resort daw iyong paggaganapan ng party, mayaman eh...

"Oo sure na ako, eh ikaw ba sure ka ba na may bahay ka pa halos dito kana tumira ah!!!" pamimilosopo niyang tanong sa akin, kaya natawa kami ni Ali, gigil siya gurl eh...

"Hahaha bakit ayaw mo na ba ako dito," I said and pouted at her, but she just smile at me and instantly glared and roll her eyes at me.

"Kaya mo bang iwasan si Oliver n'yan, makikita mo siya lagi doon at makakasalamuha. Sigurado ka ba na makakalimutan mo na ng tuluyan nararamdaman mo sakanya kung makikita mo sila ni Zoey sa buong tatlong araw?" tanong ni Ali kay Aberry at isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa bago sumagot.

"Feeling ko nga pawala na ngayon yung feelings ko sa kanya, dahil napakapanget niyang boyfriend, sobrang walang kwenta siyang kausap," sambit ni Aberry at halatang pinipilit niyang nahanapan ng panget na characteristic si Oliver.

"Tama yan para mawala na ang feeling sa isang lalaki hanapan mo ng baho, then hindi mo malalaman ayaw mo na pala sa kanya," advice ko sa kanya, samantalang ako kahit anong hanap ko ng panget kay Kento hindi ko pa rin magawang tingnan ng panget iyon dahil kahit panget na ugali sa kanya bagay pa rin sa kagwapuhan niya.

Hintayin ko lang talagang magbreak sila ng posteng yon...

Natapos namin ng mga 8 pm ang pag aayos ng gamit at maagang nagpahinga para sa bukas.

Pumasok kami sa trabaho at ginawa ang mga naka assign na task sa buong araw at pagkatapos ay agad umuwi para kunin ang mga gamit namin. Pagkababa namin ng unit naghihintay na sa baba ang Van ni Zoey.

Pagpasok namin sa loob ay nasa tabi ng driver's seat si Oliver kaya agad kaming napatingin ni Ali kay Aberry.

Kakaibang atmosphere ang namuo sa loob ng Van habang papunta kami sa resort, hindi ko kinerri kaya umidlip na lang ako sa balikat ni Aberry.

Pagkarating namin sa resort, pagkababang pagkababa namin ay sinalubong kami ng sigaw ni Zoey. "Aberry!!! Ali!!!!!" she shouted and quickly run to us.

"You must be Milana right, hi nice to finally meet you," nagulat ako ng alukin niya akong makipagkamayan sa kanya, kaya ngumiti ako ng peke at nakipagkamay sa kanya, mukhang mayamang ayaw padapuan ng lamok si Zoey.

After that she sent us to our segnated room, at pagpasok namin sa suite halos mapanga-nga ako sa paghanga sa silid.

"Here are your room girls, I make sure that it has three beds para hindi kayo mahirapan. Do you like it?" she said and smiled at us.

"Sigurado ka ba dito kami? Pwede naman kami sa normal two bedroom lang Zoey," nahihiyang tanong ni Alliana kay Zoey.

"No, I want the best room and most comfortable place for my friends, sige na don't insist na I'll see you at the lobby later for dinner, ok," she immediately went out of the room and left us three here.

"Hay!!" I jump on the bed while resting my feet on the ground. "Feeling ko mageenjoy ako dito, look oh, may Jacuzzi pa sa bathroom." I said and pointed at the bathroom, hindi pa naniwala sa akin si Aberry at pumasok pa sa bathroom para siguraduhin ang sinabi ko.

"Totoo nga," she said.

"Ang mahal siguro nito," bulong ni Alliana ng sumilip kaming dalawa sa CR.

Sabay kaming lumabas ng bathroom ay nagsimula nang ilabas ang mga gagamitin namin pampalit. "Tayo tayo lang ang invited dito diba tyaka ibang kaibigan ni Zoey," Ali said.

"Oo sabi niya mga close friends niya lang daw ang mag ininvite niya," sambit ni Aberry at naghubad ng pangitaas sa harap namin, magpapalit ng damit.

"Mga ilan daw?"tanong ko.

"Hindi ko sure eh," she said and resumed changing her clothes.

"Feeling ko kon----," hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang may kumatok sa pinto ng room namin. Umupo ako ng maayos at pinanood si Aberry na lumapit sa pinto at sinilip itong kumakatok.

Binuksan niya ng konti ang pinto at tinanong ito, "Yes?" she asks when a hotel crew stands in front of our door.

"Ma'am Miss Milendez wants to inform you that the dinner is served in the lobby, she's waiting for you," magalang nitong sambit, taray ng mga crew dito lahat gwapo bawal ba panget dito? Kung ganon bawal si Jack dito hahaha...

"Ah yes susunod na kami, thank you," sagot ni Aberry dito kaya ngumiti ito at tumango bago tuluyang umalis.

"Pinapababa na tayo ni Zoey, tara na," tumango kami ni Ali kasabay ng pagtayo namin mula sa kama at sabay kaming tatlong lumabas ng silid.

Nagtungo kami sa lobby at naabutan ang dalawang mukhang mayayaman na tao, at agad itong nilapitan ni Aberry kaya sumundo kami ni Ali. "Mrs. Milendez, Sir gandang gabi mo," she greet them and give them a peck on the cheeks, hula ko magulang ito ni Zoey nakita ko na yong lalake sa kumpanya dati eh.

"Aberry ikaw na bayan hindi kita nakilala kamusta ka na?" may class na sambit nong middle age lady kay Aberry.

"Oh andito pala kayong dalawa, parang kailan lang mag dalaga palang kayo ngayon may kanya kanya na kayong trabaho, mabuti at dumalo kayo," she cheerfully said while his husband is smiling with her.

"Opo nga eh," Aberry said and laughed with her.

Umupo na kami at nagkwentuhan lang sila Aberry at yong mga mamayang tao, hanggang sa dumating na si Zoey kasama si Aberry na may dalang cake.

Umupo na din sila at naglantungan lang silang dalawa sa harapan namin nila Aberry, buti nalang hindi ko sineryoso ang crush ko sa Oliver na ito dati, loko loko naman pala.

"Oh andyan na pala sila!!!!" masiglang sambit ni Zoey ng bumukas ang pinto dito sa lobby. Kasabay non' ay ang pagpasok ng anim tao.

Napatingin ako sa pumasok ay agad sumama ang timpla ng mood ko ng makakita ako ng posteng naglalakad na nakakapit kay Kento.

Tignan mo nga naman invited pala ang mga ito dito, grabe ganun ba walang magawa nag mayayaman bukod sa magwaldas ng pera, ay nakikipagkaibigan din sila sa poste tss...

Nakita ako ni Kento na nakatitig sa poste niya kaya agad akong umiwas ng tingin at yumuko nalang para itago ang pagpipigil ko ng tawa sa posteng iyon.

"Guys, let's eat na!" masayang sambit ni Zoey at nagsimula nang kumain ang lahat, may kanya-kanyang diskusyon ang bawat isa habang ako naman ay panay lang ang panlalait sa posteng ito sa aking isipan...

Nang mapatingin ako kay Kento, nakita ko siyang pinapanuod pala ako sa pagtitig sa poste niya habang kumakain siya kaya tinaasan ko siya ng kilay...

"Stop staring, eat your food," he whispered and made sure that I heard it while his girlfriend is busy talking to the CEO.

"I don't want to," I said and pushed my plate away just to piss him off.

"Eat your food or else..." he stopped, so I stared at him...

"Or I'll eat you instead," he mouthed and I clearly read it well, pero hindi ako nagpatinag..

"Gawa," I mouthed back...

He smirks and leaves together with his poste...

"Tignan mo di naman pala kaya," I whisper.


Kento weak!

Needs and Wants (Law of Attraction Series # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon