Chapter 7

163 11 10
                                    

Rita's POV

Nauna nang bumaba si morenong chinito atsaka pinag-buksan niya ako ng pinto.


Gentlemen.


Inilahad nya pa ang kamay nya para tulungan akong makababa, kahit kaya ko naman talaga.


'Pero aminin mo nagustuhan mo din yung pag-hawak mo sa kamay nya' Anang isip ko. Hmp!


"Ah sama ka muna saakin gagamutin ko muna 'yang labi mo." Usal ko habang tinitingnan ko ang labi nya.


"Hindi na ako nalang gagamot nito maliit lang naman eh" Sagot nya.


"Sama kana para makabawi naman ako, kahit konti" It's the least thing I can do para sakanya, kasi kung hindi siya nandun baka nadale na ako ng manyakis na 'yon.


"Hindi na talaga ok lang maliit lang naman to eh, pasok kana I'll leave once you got inside to ensure you're safe baka may mga manyak nanaman." Ani nya. Tss. Pa-fall mabuti sana kung sasaluhin mo ako.


Ok aaminin ko kinilig ako don pero hmp! Edi wag kung ayaw mong pumasok.


"Oh edi wag! Salamat! Bye!" Sabi ko sabay talikod.


Pero bigla niyang hinila ang kamay ko kaya napa-subsub ako sa dib-dib niya. Hayy ang bango niya talaga. Bumalik ako sa reyalidad kaya tinulak ko sya ng bahagya.


Hmp! Tyansing para mayakap ako.


"Oh tara na" Sabi niya habang naka-ngiti.


Tss. Sasama din pala ang mokong.


Nauna na akong mag-lakad since hindi nya naman alam ang daan papunta sa condo.


Sumakay na kami sa elevator patungo sa floor ng unit ko.


5th floor, turn right, 1st door sa left side, room 501.


Nang makarating na kami sa floor kung saan ang unit ko lumabas na kami patungo sa unit ko kinuha ko muna ang key card ko sa bag para ilagay sa door scanner. Nang may tumunog na mahinang tunog na pwede nang pumasok, bumukas bahagya ang pinto atsaka kami pumasok.


"Upo ka muna dyan, bihis lang ako sandali" Ani ko atsaka pumasok sa kwarto ko.


Ilang minuto lang lumabas na ako ng kwarto ng naka-oversized at shorts lang.


"Kunin ko lang yung first aid kit"


Tumango lang siya bilang tugon.


Tumungo kaagad ako sa kusina para kunin ang first aid kit. Pag-kakuha ko nganong first aid kit bumalik ako sa sala.


"Lapit ka" Mahinang usal ko, lumapit naman siya.


"I'm Ken Chan nga pala" Sabi nya with matching charming smile sabay lahad ng kamay nya.


"I'm Rita Iringan" Sabi ko atsaka nag shake hands kami.


"Mag-isa ka lang dito?" Tanong niya.


"Oo, dito ako natutulog kapag lagpas 11pm na 10:30pm kasi last trip ng van papuntang Polomolok"


Tumango-tango naman siya.


"Ikaw ba saan ka nakatira?"


"Baka pag sinabi ko bigla ka nalang pupunta 'don" Natatawang sambit nya. Aba ang hangin din nitong kumag nato eh.


You Changed MeWhere stories live. Discover now