Chapter 10

119 13 27
                                    

Rita's POV

Nagising ako dahil sa nag-iingay kong cellphone.

Ang aga-aga may nambubulabog aish!

Kinuha ko ang cellphone ko nang hindi tinitingnan ang caller ID at sinagot ko ang tawag

"Bakla!" Bungad na sigaw ni Mika sa kabilang linya. Kaya nailayo ko ng konti ang cellphone ko sa tenga ko.

"Mika ang aga-aga makasigaw ka naman"

"Sorry na, siya nga pala ok ka lang ba diyan sa condo mo? May damit ka pa ba diyan?"

Kahit hindi ako nag-sasabi alam na kaagad ni Mika na nasa condo ako, sinabi ko na kase sakanya na kapag hindi ako nakaka-uwi sa condo ako natutulog.

"Oo meron pa naman uuwi naman ako diyan mamaya siguro after lunch"

"Ok sige, tatawagan ko muna jowabells ko, bye baks"

"Edi ikaw na may jowa" Narinig kong tinawanan ako ni Mika sa kabilang linya "Hmp! Bye"

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mica biglang may nag doorbell, kaya nag-taka ako. Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa may pinto.

'Wala naman akong inaasahang bisita ah'

Nag-tatakang ani ko sa hangin habang papalapit ako sa pinto.

Sino naman kaya to? Tanong ko sa aking isipan.

Hindi na ako sumilip sa peep hole, at basta ko nalang binuksan ang pinto pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig at napako ang tingin ko sa taong
kaharap ko na ganun din, para 'bang hindi niya inaasahang makita ako.

"Max" Bulong kong banggit sa pangalan niya.

"Rita" Bulong niya din sa pangalan ko.

Gusto kong isarado ang pinto pero hindi ako makagalaw, wala ding lamabas kahit isang salita galing sa bibig ko bukod sa pangalan niya na binanggit ko kanina.
Nilukob kami ng katahimikan pareho nang mag-salita siya. D'on palang din ako bumalik sa reyalidad.

"A-ah R-rita, can i talk to you?" Nauutal na tanong niya.

"Kinakausap mo na ako" Buong tapang ko siyang sinagot kahit sa kaloob-looban ko gusto kong itanong sakanya kung bakit niya ako iniwan dati.

"A-ah i mean pwede ka bang ayain na kumain sa labas, tapos.....dun.....tayo.....mag-usap" Nag-aalinlangan niyang usal.

"Ok, just wait for me here" I said and then closed the door.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto na hindi alam ang gagawin.

'Pumayag lang naman akong kumain ng breakfast kasama ang EX KO, KASAMA ANG EX KO. Argh! Rita hindi ka nag-iisip eh,
ba't ka pumayag! Bahala na nga! Closure na din siguro, oo tama closure'

"Sure ka bang closure lang talaga kaya pumayag ka?" Biglang tanong ng kabilang isip ko.

Napa-buntong hininga ako dahil don. Kase kahit hindi ko man aminin, na miss ko din talaga si Max.
Lalo na yung mga memories naming dalawa, yung mga sweet gestures niya, lahat-lahat ng tungkol sakanya. Oo nakapag-move on na ako pero syempre minahal
ko siya ng sobra eh. Pero closure nalang siguro yung kulang para maka fully move-on na talaga ako. Pinahid ko ang isang butil ng luha na tumulo mula sa mata ko,
nangako akong hindi na ako iiyak kung si Max lang ang dahilan ng pag-iyak ko. Graduate na ako sa 'iiyak mo lang yan' level.

You Changed MeWhere stories live. Discover now