Chapter 8

137 12 11
                                    

Rita's POV

Pag-kasarado ko ng pinto pumunta muna ako ng kusina para kumain. Nag-dinner naman na ako bago ako pumunta sa work at kapag break ko naman kumakain din ako konti, pero nagutom ako bigla eh.


Tumungo na ako sa kwarto ko pero mamaya pa ako matutulog. 6pm pa naman oras ng duty ko bukas, may damit din naman ako dito.


Sumagi sa isip ko ang nangyari kanina sa sala at sa labas ng condo ko, naramdaman 'kong uminit bigla ang pisngi ko.


"Tyansing naman kasi si Ken kanina eh." Ani ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.


'Eh nagustuhan mo din naman yung nangyare kanina eh, alalahanin mo Rita tumugon ka sa halik niya.' Anang isip ko. Kaya napa-irap ako.


"Aishh pano na yan may naka-kuha na ng first kiss ko, mabuti sana kung siya na yung binigay ni Lord eh pano kung hindi, ano bayan!" Pag-mamaktol ko na parang bata.


Pumasok muna ako sa banyo para mag-halfbath. Pagkatapos kong mag-halfbath nag-skin care routine muna ako atsaka nag-toothbrush para fresh. Pero hindi pa naman ako natutulog manonood muna ako ng True Beauty 11:30 pa naman.


Ilang minuto ang nakakalipas narinig 'kong nag-riring ang phone ko, tiningnan ko muna ang caller id pero number lang ang nakalagay sa hindi malamang kadahilanan ay sinagot ko ang tumatawag.


"Hello?" Ani ko.


"Hi morenang chinita magandang gabi matulog kana." Usal ng nasa kabilang linya, pero teka bakit pamilyar ang boses niya. 'Ken ikaw ba 'yan?' tanong ko sa isip ko.


Pagkasabi nun ng nasa kabilang linya ibinaba niya na -- kung sino man siya -- ang tawag.


Habang nag-poproseso pa sa utak ko kung si Ken ba yun o hindi bigla kong naalala na hindi ko pala itinuro sakanya ang daan papunta dito sa condo hindi ko din sinabi ang pangalan ng condo ko, baka dito din siya sa Makar nakatira. Napagpasyahan kong tapusin ang pinapanood ko. 1am na ako natapos ng panonood uminom muna ako ng gatas para payapa ang aking pag-tulog.



Ken's POV

Pag-kasarado ni Rita ng pinto tumungo na ako sa elevator papuntang ground floor, biglang sumagi sa isip ko ang pinagsaluhang halik namin kanina ni Rita.


'Hayst sana maulit.' Anang kabilang baagi ng isip ko.


"Tss hindi na 'yon mauulit." I said in a flat tone, its like I'm dissapointed that I can't kiss her again.


Damn it! She's not healthy for me.


'But you enjoyed kissing her.' Said my mind.


"Tss. Whatever." Ungos ko kasabay non ang pag-bukas ng pinto ng elevator.


I just shrug the thought off and headed outside the condo and get inside my car then I started to drive back to my house.


While on the road I remember tinawag ako ni Rita na morenong chinito kanina that made me smile. Dammit! I'm smiling like an idiot here! But I can't help it. Argh! F*ck it! Stop smiling you fool!


When I arrived at my house -- still smiling like an idiot -- I headed to the kitchen because I got hungry all of a sudden.


'Hindi ka ba nabusog sa halikan niyo ni Rita kanina?' Tanong ng kabilang isip ko.


You Changed MeWhere stories live. Discover now