CHASING I

1.5K 46 9
                                    

AUDACIOUS

Avrien POV

You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier, crazi-

I lazily search my phone on the study table para patayin ang ilang ulit nang tumutunog na walang kwentang teknolohiya. I set my alarm last night but I am too energetic to get up yet. I'm about to wrap my so comfy and soft blanket on my body when I heard a knock. I look at the door and continue what I am going to do. Sure naman akong si Mama 'yan.

"Mitch bangon na! 1:30 pm na! malalate ka nang bata ka!" I groaned because of annoyance at mas nagkumot pa. I even put my monster pillow above my head so I won't hear my mom's scream. Gusto ko pang matulog! I am pretty sure naman na pinagtritripan nanaman ako ng magaling kong ina about sa time na 'yan. Afternoon class ako ngayon kaya kahit tanghali na ako magising.

"Aba 'tong batang 'to! Anong oras ang klase mo? 1:30 na talaga!" napabangon ako ng marinig ko ang seryosong boses nito. I promptly checked the time and it's really 1:30pm! Takte! 2:00pm ang klase ko!

Hindi ko na pinansin pa si mama at mabilis akong pumasok sa bathroom. I instantaneously do my morning routine and before I even know, I am ready to go.

Kakababa ko pa lang ng taxi ay tumakbo na ako papasok sa tarangkahan. For Pete's sake! Hindi na ako nakapasok sa first class tapos late pa ako sa next subject ko! Mabilis na aking tinakbo ang elevator at pumasok agad doon para mabilis na makarating sa 4th floor. Nang huminto ito, lumabas na ako at tumakbo nanaman ulit papunta sa room namin. But to my dismay, nakasara na ito so I have no other choice but to knock on the door. I am about to knock ngunit bumukas na ito. Kinakabahang napaangat ako tingin dahil ramdam ko na ang nakakakilabot ngunit parang nang-aakit nitong mga titig. Tinitigan lang ako nito with her usual look kapag naiinis o galit siya. Napalunok ako at nanlamig when she rolled her eyes on me. Medyo nakakainis para sakin ang ginawa niya pero wala akong magawa kasi mas lamang pa rin talaga itong kabang aking nararamdaman.

"S-sorry I'm l-late Maam. C-can I still join on your class Ms. Ar-Ruzell?" medyo napayuko ako dahil sa pagstutter at muntikan ko nang pagsabi ng pangalan niya. Nakita ko na naging mas seryoso pa ito nang marinig niya ang muntikang pagtawag ko sa kaniya. It should be Ms. Ruzell or Ms. Zsyrelle, not Ms. Aria ! Panenermon ko sa sarili. Kelan ko ba siya simulang tinawag sa first name niya? Noong nagbar kami last last week. Sa tuwing naiisip ko iyon ay nahihiya ako. Sinayawan ko lang naman siya dahil sa kalasingan at lasing din naman siya that time. Pero potek, I am so different talaga kapag nalalasing. Parang hindi isang mahiyaing dalaga na 'Maria Clara'. So iyon na nga, hindi ko alam kung papaano basta ginawa ko ang lahat para malaman ko ang pangalan niya. At nagtagumpay naman ako, nagsimula na roon na tinawag ko siya sa first name niya na parang okay lang naman sa kaniya. Nalaman ko rin na owner siya ng bar na pinuntahan namin. Pero akala ko doon lang maglalandas ang path naming dalawa. After that week, nag-iba bigla ang schedule ko kasi may isang prof na papasok sa University. Okay lang naman sana sa akin iyon kaso siya pala ang magiging prof ko. Ibang-iba na rin sa nakausap ko last last week.

"Next time hindi na ako magpapasok ng mga late. When you guys late for 10-15 minutes you are automatically absent. You're lucky Ms. Flores cause I let you enter my class. Next time I will not tolerate those kinds of manners! You're already in college, laziness is not allowed." nakaupo na ako at siya ay seryoso lang na nakatingin sa amin habang deretsong nakatayo ito sa harap. See, she changed into something I didn't expect. Iba ang Aria na nakilala ko sa loob ng bar niya. Pero siguro ganito talaga siya. Sadyang lasing din siguro siya noong gabing iyon kaya iba ang ugali nito.

CHASING the Seductress |StudxProf▪️GxG| Where stories live. Discover now