CHAPTER 2

528 20 0
                                    

                             -Catie Gadi-

Maaga akong nagising kahit hindi pa man sumisikat ang araw, napatingin ako sa orasan at nakita kong 4 AM pa lang. Ano pa ba ang gagawin ko ngayong araw? Umupo ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko doon. These past few weeks, I have been stressing myself. I realized how stressed I am and how tiring handling my problem is. Those advices from that mysterious friend of mine still does not works. I have no courage to open up this topic with my family and to that Fortalejo Family. Kailangan ko ng dahilan para buksan sa kanila ang usapin na ito, para itigil ang kasunduan na ito.

Kinuha ko ang suklay at sinimulang suklayin ang mahaba at pinong buhok ko habang nakaharap sa salamin. Nang makapagayos na ako ng sarili ay tahimik akong lumabas ng aking silid, at bumaba sa may tatlumpung baitang na hagdan. Nakita ko ang matandang katulong namin na naglalakad patungo sa kusina. Balak ko sana siyang sundan, ngunit narinig ko ang tinig ng mga magulang ko, tila seryoso ang kanilang diskusyonan. Minabuti kong magtago at sumandal sa dingding na kalapit ko upang hindi nila ako makita.

"Last night I received a message from Fortalejo Family, they want to see our daughter Catie and make her interact with Ross Fortalejo, their son." I heard Mommy said, calmly. I gasped and almost ran out of breathe in surprise.

How do I react? All of a sudden, everything seems to be in rush? They just told me about the marriage deal a week ago, yet the other side wants to see me in real person now and do interact with their son!

I hope they change their mind, I hope they understand me. I do not want to meet him, I am not yet ready. I do not want to! I do not! I never wished to be married. Please Mom, Dad..... I am begging you, do not force me anymore.

Muli akong bumalik sa pakikinig sa usapan nila, umaasang sana ay magbago ang isip nila especially, Dad.

"Naiintindihan ko, oras na magising ang anak natin pupunta tayo sa kanila para ganap na silang makapagkita" tila nabingi ako sa sinabi ni Dad. Hindi ko alam kung ilang beses iyong nagpaulit-ulit sa isip ko.

Unti-unting bumagsak ang balikat ko sa halo-halo kong nararamdaman.

Bago ko pa man marinig ang mga nakakairitang bagay na sasabihin nila, ay natagpuan ko na ang sarili kong nagmamadaling umakyat sa hagdan. Tinanggal ko ang sapin ko sa paa upang hindi nila maramdaman ang aking yapag.

Pumasok ako sa aking silid, mabilis na hinubad ang aking mga kasuotan, at nagtungo sa silid-paliguan. Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig na nagmumula sa shower pababa sa aking katawan. Kasabay niyon ay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata, at pinipigilang humagulhol, tinakpan ko ang aking bibig para mapigilan ito.

Hindi sila nakinig sa akin. Hindi nila ako pinagbigyan. Hanggang kailan ba nila ako pahihirapan nang ganito?

Tumingala ako sa shower at mabilis na pumikit upang hindi mapasukan ng tubig ang aking mga mata. Napasandal ako sa pader at tila hapong-hapo na hinahabol ang paghinga. Maya-maya pa ay natagpuan ko na ang sarili kong nakaupo sa sahig habang hinahayaang maulanan ng tubig na nagmumula sa shower. Nakatulala at wala na naman sa sarili. Bakit ba ako nagkakaganito?

"It is not true..... I was just dreaming. It is not real.. it is" nakatulala kong sabi sa kawalan.

Natapos ang pagligo, pagsusuot ng damit, at pag-aayos ko ng aking sarili. Handa na akong tumakas kaya nagmamadali ako ngayon.

I'M MARRIED TO YOU (Under Revision)Where stories live. Discover now