CHAPTER 14

140 10 4
                                    

                              -Catie Gadi-

MALALIM na ang gabi nang makarating ako sa mansion ng Pamilya Fortalejo. Hindi ako pinag saraduhan ng guwardiya ng gate dahil sinabi ko sa kanya na babalik ako pagsapit ng takipsilim. Hindi na namin itinuloy nina Marco ang pagdalo sa misa dahil nais na daw nilang umuwi, at nag-aalala sila sa nangyari sa akin doon kanina. Hindi ako makapaniwala na mararansan ko ang masampal, at sa respetadong lugar pa talaga. Muling nadagdagan ang sama ng loob sa loob ko, sama ng loob sa pamilya ko at sa katotohanang may nagmamay-ari na pala sa kanya.

Gusto kong umiyak ngayon, pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala na akong mailuluha pa.

Naalala ko bigla 'yong misteryosong kaibigan ko na nagtatago sa maskara, hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap na iniwan niya akong mag-isa at piniling lumayo. Kung naririto lamang sana siya, siguradong mapapagaan niya ang litong-lito kong isip ngayon. Sana mapapatino niya ang isip kong madaming masamang binabalak ngayon.

Nasaan ka naroroon ngayon?

Hindi ako dinadalaw ng antok ngayon, kasalukuyan akong nakaupo sa upuan, kaharap ang munting mesang ilang dipa lamang ang layo sa pool, at inaabala ang sarili ko sa pagguhit ng isang alahas na matagal ko nang pinapangarap.

Naisipan kong gumuhit ulit ng isa pa, isang kakaibang alahas.

Habang tumatagal ay napapansin kong nag-iiba ang kahulugan ng iginuguhit ko, isang alahas na nagpapahiwatig ng kakaibang kalungkutan, ipinapakita sa bawat bato at kulay na inilagay ko doon.

Inihagis ko ang sketch pad ko sa kung saan, walang pakialam kung saan iyon mapunta, at humugot ako ng malalim na buntong hininga. Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon.

Ano pa bang ginagawa ko sa lugar na ito? Wala naman akong nakukuhang sagot mula sa lalaking iyon. Tama nga si Rhianna, wala akong mapapala dito kaya bakit ginagawa ko pa'to? Malamang dahil----- pati ako naguguluhan na, magpapakasal pa ba ako sa kanya?

“Bakit kailangan kong maranasan ang mga bagay na'to?” matamlay na tanong ko habang nakatingala sa madilim na kalangitan na puno ng bituin, walang presensya ng buwan. “Gusto ko lang naman malaman ang totoong dahilan sa likod ng lahat ng ito, pero bakit ipinagkakait nila sa akin 'yon?” bawat kataga ay binigkas ko sa madiin at nasasaktang paraan. Napapikit ako at humugot ng malalim na hininga.

Biglang umihip ang malamig na hangin kaya nayapos ko ang aking sarili.

Nagulat ako nang biglang may magpatong ng malambot na white hoodie sa balikat ko, aminado akong malaki iyon kaya lubos na nagkasya sa akin iyon.

“Ang lamig dito pero nandito ka pa, naghahanap ng sakit ng katawan,” napatingala ako nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

Hindi ko alam pero automatic na namasa ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Bigla kong sinampal ang sarili ko at napadaing dahil yung nasugatang labi ko sa mula sa sampal kanina ang natamaan. Nagulat siya sa ginawa ko at akmang sasampalin ulit ang sarili ko nang hulihin niya ang kamay ko at marahang hinawakan iyon at hinaplos iyong bahagya.

Nakaramdam naman ako ng kakaibang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Heto na naman ang kakaibang pakiramdam na'to sa tuwing lumalapit siya at hinahawakan ako.

Lumuhod siya sa kanang tuhod niya at inilapat ang braso niya sa mesang kaharap ko at tumitig siya sa mga mata ko. Ang seryoso niyang titig ay hindi ko mahanapan ng kahit anong emosyon, nakakaramdam din ako ng pagkailang kaya umiwas ako ng tingin at bumaling sa ibang direksyon.

“Bakit mo sinasaktan ang sarili mo, Ria?” tanong nito.

“Ano ba'ng pakialam niyo, pabayaan niyo ako!” gusto kong tahiin anf sarili kong bibig dahil bigla iyong lumabas sa bibig ko dala ng halo-halong emosyon.

I'M MARRIED TO YOU (Under Revision)Where stories live. Discover now