CHAPTER 3

370 16 0
                                    

                             -Edward Lei-

LUNCH break ngayon sa company kaya mayroon kaming isang oras para gugulin ang aming oras sa pananghalian. Napagdesisyunan kong lumabas at pumunta sa MOA upang magtingin-tingin doon nang magandang panregalo sa girlfriend kong si Charlotte.

Kasalukuyan siyang wala dito sa Manila, dahil nasa Singapore siya ngayon, at naimbitahan upang magendorso ng bagong produkto doon ngayon. Hindi ko pa alam kung kailan siya makakauwi dahil kabi-kabila ang trabahong nakaabang sa kaniya bilang isang baguhang modelo. Limang buwan pa lamang siyang ganap na modelo pero heto na agad ang narating niya ngayon, and I am proud as her five years lover.

Yes, we have been together for almost five years, yet we are still counting.

Nakarating ako sa section ng mga kosmetiks, balak ko sana siyang regaluhan ng bagong kosmetiks kaso naaalala kong marami na nga pala siya noon. Madami na din siyang mamahalin na damit, sapatos, at mga bag, kaya hindi ko alam kung ano'ng ireregalo sa kaniya.

Hindi naman kasi siya mahilig sa gifts e.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagtitingin ko at naglakad nang hindi tinitingnan ang dinadaanan ko kaya may nakbanggaan ako, malakas din ang impact ng pagkabangga namin sa isa't-isa kaya napaupo kami pareho. Nasapo ko ang dibdib ko dahil doon ako nadali nang husto.

Napatingin ako sa kanya at napagtantong babae iyon, isang ubod ng gandang Binibini. Hawak-hawak niya ang balakang niya at ngingiwi-ngiwi sa sakit habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa isang paper bag na nagkalat ang laman sa sahig. Maganda talaga siya ngunit hindi ako naaattract sa kaniya, kay insan ko na lang siguro siya irereto kaso ipinagkasundo na nga pala si Ross kawawa naman.

"A-Ahh Miss are you alright?" Malumanay kong tanong sa kanya at seryoso naman siyang tumingin sa akin kaya bahagya akong napalunok habang nakatingin din sa kanya. Kapwa pa din kaming nakaupo sa sahig ngayon, nagtititigan sa isa't-isa.

Her look feels so intimidating to me, it's as if she could bury me under the ground for just a second.

Tango lang ang isinagot niya sa akin at mabilis na pinulot ang mga nagkalat niyang pinamili sa sahig kaya mabilis akong lumapit upang tulungan siyang magpulot noon.

Napansin kong weird ang mga pinamili niya, karamihan ay puro concealers at kulay brown pa?

Nang matapos kami sa pagpupulot ay sabay pa kaming tumayo at muling nagkatinginan sa isa't-isa. Tumango lang siya sa akin at tuluyan akong tinalikuran. Hindi man lamang ako pinasalamatan sa pagtulong ko sa kaniya? Suplada effect ah. Napansin ko na namumula ang bahaging siko niya at nadugo pa kaya mabilis ko siyang hinabol at humarang sa daraanan niya kaya muntik na naman kaming magkabanggaan. I saw how she glared so fiercely to me, maybe because she might be thinking I am intentionally being rude to her now, and I purposely bumped into her recently.

"I-I am sorry, but your elbow's bleeding. Here take this" malumanay kong sabi at tsaka inabot ang panyo ko sa kanya at nahihiya naman niyang kinuha iyon.

"S-Salamat," for the first time I heard her talk, and I can say her speaking voice was kind of pleasing. She bowed her head before she totally turned her back to me.

"Walang anuman," sabi ko, sapat na para marinig niya. Tipid lamang siyang ngumiti at marahang tinalikuran ako, itinali niya ang panyo sa sa siko niyang nagdurugo at nagpatuloy sa paglalakad.

I'M MARRIED TO YOU (Under Revision)Where stories live. Discover now