CHAPTER 4

361 15 0
                                    

                             -Jansen Ross-

NAGISING ako kinabukasan nang maramdaman ko ang marahang pagyugyog ni Mommy sa balikat ko. Nagkusot-kusot ako ng mata na parang bata at tumingin sa kanya.

"Ayan gising ka na," masayang sabi ni Mom kaya nagtaka ako.

Ang saya naman niya yata ngayong araw?

"Ano po'ng meron Mom, why did you wake  me up this early?" Tinatamad pang tanong ko.

"May bago tayong katulong na darating ngayon dito sa bahay," nakangiting sabi ni Mom, ngunit wala akong naging reaction.

"Ano po ang gusto niyo ngayong sabihin?" Tanong ko.

"Aba! Edi ikaw ang bahala sa kanya mamaya kapag dumating siya!" Nakapamewang pang sabi ni Mom, napangiwi pa ako sa lakas ng boses niya. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at inalis ang kalahati ng katawan ko sa kama. Nakaupo ako sa gilid ng kama, nakalawit naman ang dalawang paa ko sa tangwa. Tiningnan ko si Mommy at sinimangutan ko siya.

"Mommy naman bakit naman po kailangang ako pa ang tumingin sa kanya?" Reklamo ko at nakatanggap ako nang batok mula sa kanya.

"Nararapat lamang na ikaw ang tumingin sa kanya dahil magmula sa araw na ito ay siya na ang parang magiging personal maid mo," seryosong sabi ni Mommy at nagulat ako sa sinabi niya, binigyan ko siya nang hindi kapani-paniwalang tingin.

"Mom! Hindi naman po ako miyembro ng aristocratic family para magkaroon ng personal maid, kaya  ko na po---------" natigil ako sa pagrereklamo nang makita ko kung gaano kasama ang tingin ni Mommy sa akin. "A-Ahh hahahahaha nagbibiro lamang po ako Mom, siyempre po iwewelcome ko pa siya nang buong puso dito sa bahay natin, ako na din po ang bahala sa kanya." Nakangiting sabi ko kaya napangiti si Mom.

Alam na alam mo talaga Ross kung paano paamuhin ang Mommy mo hahahaha.

"Thank you anak. Before anything else, let me just remind you anak." Sabi ni Mom at inabangan ko kung ano'ng sasabihin niya. "Don't be so rude to her ah, treat her nicely just like how you treat me and your girl cousins," babala pa ni Mom at sinimangutan ko na naman siya.

"Kung makapagbigay naman po kayo ng paalala parang lumaki po akong bastos at walang modo ah," sabi ko at natigilan si Mom.

"Grrr ginigigil mo ako Ross. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Sabi niya at nginiwian ako. "Sabi niya nga pala sa akin sa call kaninang madaling araw ay magaling siyang magluto then, she'll cook for us when she arrived." Dagdag pa ni Mom kaya tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Kahit papaano ay nakaramdam ako nang kaunting excitement sa ibinalitang iyon ni Mom. "Maghanda ka na anak, parating na siya rito maya-maya lang." Sabi ni Mom at tinalikuran ako.

Biglang may pumasok sa isip ko kaya napabalikwas ako nang tayo at tinawag si Mommy.

"A-Ahh Mom wait lang po," sabi ko at nagtataka naman siyang binalingan ako nang tingin.

"Bakit 'nak?"

"A-Ano po pala ang sabi ng Gadi Family, bakit daw po hindi nila kasama ang ikatlong anak nila?" Seryosong tanong ko, at nag-iba ang hilatsa ng mukha ni Mom.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero, tumakas daw ang anak nila sa kanila. Kahapon daw ay misteryoso ang biglang pagkawala ni Catie sa bahay nila. Kaya ang tanging pumasok sa isip nila ay tinakasan tayo ni Catie dahil hindi pa siya handang magpakasal sa'yo anak." Seryosong sabi ni Mom kaya napabuntong hininga ako.

"Hindi po ba nila tinawagan? Siguro naman po may number sila sa isa't-isa?" Pang-uusisa ko pa.

"That's also the problem son, she blocked her parents' number that's why they couldn't reach her line." Nag-aalalang sabi ni Mommy. "Huwag na muna nating isipin 'yon anak, hindi naman natin minamadali ang kasal dahil alam naming hindi pa kayo handa." Tinapik ni Mom ang balikat ko bago ako tuluyang talikuran at lumabas ng aking silid.

I'M MARRIED TO YOU (Under Revision)Where stories live. Discover now