Chapter 12

337 32 5
                                    

(Mew)

Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Gulf na pinalayas ko siya, hindi ko alam kung ano bang nangyayari.

Ang huling pagkaka-alala ko ay nagkita kami ng demonyo kong ama tapos wala na, nasa kwarto na agad ako at hinahanap si Gulf.

Wala akong ediya sa mga nangyayari, hindi ko naman matanong si Gulf kase halatang may takot at pangamba sa mga mata niya.

Tumingin ako sa gawi ng banyo, kanina pa pumasok si Gulf pero hindi pa lumalabas.

Dinampot ko ang cellphone ko sa lamesa at tinawagan si Run

Run: Hello Sir, naoatawag ka

Mew: Run 'di ba may mga CCTV camera ka na ikinabit sa bahay ko?

Run: Yes, sir...kung may gusto kang icheck. Pwede kang pumunta sa dating office mo. Do'n ko nilagay ang mga Computer na pinagcoconnectan ng CCTV.

Mew: Naka-bukas naman 'to lagi diba?

Run: Yes, lagi ko yang chini-check sir. Mga 2 times a week. Hindi lang po ako nakakapunta dyan madalas, simula nung umalis si Manang.

Mew: Okay salamat.

Binaba ko na ang linya at tumayo.

Balak ko sanang katukin si Gulf, pero hindi ko na ginawa.

Umakyat ako sa taas sa dati kong opisina.

Pagkabukas ko ay bumungad sakin ang mga monitor.

Marahan akong umupo sa harap nito at sinimulan nang magkatikot.

Una kong tinignan ang oras kung kailan ako nakauwi.

Kitang kita sa monitor kung paano ako padabog na lumabas sa kotse, halatang  nagmamadali at galit na galit.

Kita rin kung paano ko hampasin ng malakas ang gate ng paulit-ulit

Ilang minuto ang lumipas at lumabas si Gulf.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa ko sa kanya.

Kitang kita kong paano siya lumagapak sa sahig, kung gaano kasakit sa kanya ang ginawa ko

Napasabunot ako sa aking buhok

Paano ko nagawa ang ganitong kahayupan. PAANO???

Kahit hindi ko na kaya tapusin ay pinanood ko parin.

Itinuro ko kay Gulf ang labas, at ihinahis siya palabas at saka biglang sinarado ang gate.

Hindi kita kung anong ginagawa ni Gulf.

Muli kong tinignan ang monitor para makita ang kuha ng CCTV sa loob ng bahay.

Naglakad ako paakyat at binuksan ang pinto, pero hindi muna pumasok.

Nakatayo lang ako sa harap mismo ng Pinto at hindi gumagalaw.

Anong katangahan ba ang nangyayari sa'kin?

Ilang minuto ang lumipas at pumasok na rin ako sa kwarto, yun yung time na hinahanap ko na si Gulf.

So totoo nga? Totoo nga na sinaktan ko siya? Kaya pala takot na takot siya sakin.

Napakawalang kwenta ko talaga.

Bobo ka Mew, tanga mo!!!

----------------------------------------------------------------

(Gulf)

"TANGINA MO MEW, TANGA MO. BOBO KA TALAGA. WALA KANG KWENTA"

Kakalabas ko lang sa banyo at kasalukuyang nagpapatayo ng buhok ng pukawin ng sigaw ni Mew ang atensyon ko.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now