Chapter 15

400 25 11
                                    

(Gulf)

"Babe...babe, babe gising" pag-alog ko kay Mew

"Babe ano bang nangyayari sayo kanina ka pa sigaw nang sigaw?"

Mababakas ang pawis sa kanyang mukha.

Inabot ko ang panyo sa gilid ko at pinunasan ko siya.

Umiiling iling lang siya at nakatulala.

Bumaba ako saglit para kuhanan siya ng tubig na maiinom.

Binilisan ko ang paglalakad, kumuha na rin ako sa kusina ng maari niyang kainin.

"Hahahahhaha baby mewmew"

What the heck!!!

Pakundangan kong iniwan ang tray ng pagkain at mabilis na tumakbo sa taas.

Nanlaki ang mata ko sa bumungad sa akin.

Tumatalon talon sa kama si Mew na animo'y isa siyang bata.

"Hi, I'm Mewmew, who are you? You wanna play with me?"

Hindi ako nakaimik, nalilito na ako.

Ano ba talaga ang nangyayari, bakit ganito. Bakit!!!!

Tumigil sa pagtalon si Mew at lumapit sakin.

Hinila niya ako papunta sa kama at tumalon ulit nang tumalon.

"Are you my new Nannie? Pls play with me, play with me. Come on, let's jump!"

Sa kabila ng pagtataka at litong nararamdaman ay sinunod ko na lang siya.

Pinagmasdan ko siyang tumatalon talon, ibang iba talaga ang galaw niya ngayon.

Mew ano bang totoong nangyayari sa'yo?

"Hey, bakit po ayaw niyo tumalon. Am I bad po ba that's why ayaw niyo makipagplay sa akin?" sabi niya at mangiyak-ngiyak na tumalikod.

"It's okay, you don't need to force yourself po. I know y'all don't want me 'cause am bad po"

Nataranta ako dahil humihikbi na siya.

"Hey, don't cry. I want to play with you, it's just..."

"Okay, okay magplay na ta'yo. 'Wag ka na mag-cry"

"Yeheyyyyy!!! Thank you po. Mewmew is so happy"

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, hindi ko alam. Wala akong alam!!

Tumakbo si Mew palabas ng kwarto, wala pang ilang minuto ay bumalik na siya at may dala dalang mga laruan.

Nakangiti siya sakin nang abot tenga, ibang iba sa expression niya na tulala kanina, at tila balisa kagabi.

Hindi ko siya katagalang nakasama pero ngayon ko lang siya nakita maging ganito.

Nung una parang papatay siya nang papatay ng tao dahil sobrang aggressive niya. Ngayon naman para siyang bata.

May kumalabit sakin kaya napalingon naman ako.

"What's your name po?" tanong niya at kumadong sa'kin.

Malaki amg katawan ni Mew at halata ang mga batak sa muscles niya kaya napa-ingit ako sa sakit dahil napaka bigat niya. Hindi ko naman masabi dahil baka bigla siyang umiyak.

"You can call me Gulf" mahinahon na sabi ko at nginitian siya.

"Wow, your name is beautiful, just like you."

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now