Day 3

7 1 0
                                    

I was awaken by the sound of my bullshit phone ringing.

Damn, sino ba ito? Very unusual na may tumatawag sa akin. Namiss kaya ako ni Devi? Or isa sila sa mga magulang ko na tumatawag sa 'di ko malamang dahilan?

Ugh! Nakaka inis! Panira ng tulog.

Naka pikit pa ang mga mata ko nang kapain ko sa side table ang phone ko at sagutin iyon ng hindi tinitignan ang caller.

"Hello?" Tinatamad at inaantok kong bungad sa telepono.

Tila nabuhusan naman ako ng tubig ng marinig ko ang isang pamilyar na tawa.

"Kelai, it's already 6:43 bumangon ka na jan." Sambit niya sa akin habang tumatawa.

"Paulo?" Hindi ko siguradong tanong.

Muli siyang tumawa sa kabilang linya. Adik ba 'to? Baka high to a.

"Godness! 'Wag mong sabihing nagtataka ka kung paano ko nakuha number ng phone mo?" Tawang tawa niyang sambit sa kabilang linya.

"Exactly, how?" Tanong ko habang bumababa sa kama ko at nag uunat unat.

"Nauntog ka ba? We exchanged numbers last night. Ano ka!?"

Gosh! May depekto ang utak ko, sigurado na ako. What a shame. 27 pa lang ako pero uliyanin na ako. Ano ba yan!

"Ah, oo nga pala. Sorry, it's just a bit unusual that someone actually called me," Sambit ko pa sa kaniya habang nag lalakad paputang bathroom.

"Tss. Bilisan mo na, naghihintay ako dito sa labas ng pintuan mo," Saad niya na ikina gulat ko.

"What? Ang aga mo naman!" Reklamo ko dahil knowing myself, mabagal akong kumilos.

"You're just late, Kelai." Pag tatama niya.

Napa irap ako habang hinahablot ang isang malinis na tuwalya sa gilid.

"Whatever. Bye, mag asikaso na ako. Bibilisan ko, 'wag kang mainip," Saad ko saka siya pinatayan ng tawag.

Gosh, nakaka tamad naman. Inaantok pa ako pero I got no choice. Maayos ang usapan namin kahapon na pupunta kaming Wright Park para mag horse back riding.

Inaantok pa ako e. Pero kesa naman mawalan ng saysay yung gastos ko 'di ba? Go na!

I prepared in a hury. Ayokong pagantayin siya ng matagal. Nakakahiya kasi.

After getting dressed and picking up my important stuffs, I headed outside to see him leaning on the wall outside my room, waiting for me.

Napatitig ako sa kaniya nang ngumiti siya sa akin.

"Morning, Kelai." Masaya niyang bati na tila close na close kami.

He still looks good. Lalo na sa mga ngiti niya. Ewan, I can't help but to appreciate his looks everyday. Today is my third day with him. Pero looks pa din ang mamgunguna sa mga pwede kong mapuna.

"Morning. Let's go!" Sagot ko din saka siya inayang umalis na agad agad.

Hindi ako excited. Gusto ko lang makalabas agad. 'Di naman namin kailangang magtitigan muna 'di ba? Proceed na sa plano agad!

"I guess maganda ang tulog mo," Puna niya bilang panimula ng usapan kagaya ng palagi.

Natawa ako.

I noticed, ang dalas ko nang tumatawa at ngumingiti. Nakakahawa pala yung good vibes kapag masayahin ang kasama mo?

Weird.

Si Devi masayahin pero 'di naman ako napapangiti. Siguro kasi hindi siya kasing hyper nitong si Pau?

The Stranger I Met in Baguio [PUBLISHED]Where stories live. Discover now