Day 6

6 1 0
                                    

6th day.

After this, just another day and my stay here will be finally over. I will be facing reality once again in Manila. A world of rejection, a world without Pau. My dead world. Dead life.

We're now heading to Mines view park for more beautiful scenery.

Mines view park is located on a ridge in the northeast side of Baguio. I heard the place offers a stunning view of the Coldillera mountains and the old copper and gold mines of Benguet.

Hindi ko mapigilan na maging excited dahil doon.

We arrived at the place and the first thing that I notice is the tourist from different parts of the country and world, dressed in Ifugao traditional clothing.

Ang cute, kasi pwede kang mag picture habang may hawak na bolo at shield.

I can't help but to feel happy seeing different people smiling before the camera, wearing the traditional cloth of the Ifugao's.

"You wanna try?" Pagkuha ni Paulo sa atensyon ko.

"Sure!" Masa kong tugon sa kaniya.

We get dressed and took series of photos. He captured several solo shots of me and I captured several solo shots of him as well. It's not just fair 'cause I am not born a photographer.

"Napaka unfair!" Utas niya habang nirereview ang mga kuha ko sa kaniya.

All his poses are hillarious! He looks so funny so I can't help laughing while taking shots. So ang resulta? Blur. Kapag naman hindi blur ay ang pangit ang angle. Kasalanan naman niya iyon, I told him beforehand na hindi ako marunong mag-snap ng pictures!

He didn't listen so, ayan.

"That's what you get. Hindi ka kasi nakinig na hindi nga ako marunong kumuha ng pictures!" Pangangatwiran ko habang tumatawa.

Napa iling na lang siya habang tinitignan ang mga pictures namin.

"Anyways..." Sambit niya saka pinatay ang camera at isinabit na sa leeg niya. "These are photos taken by you so, I'll keep it." Wika niya saka ngumiti ng malapad sa akin.

"You should, iyan lang ang mga kuha mong solo dito sa mines view. Sayang memories," Sambit ko saka tumawa.

Tumango-tango naman siya habang naka-pout.

"Oo nga e. Hays, dapat pala tinuruan muna kita kung paano kumuha ng pictures," Turan niya habang patuloy na naglalakad papunta sa may viewing deck dito sa Mines view.

"Oo, dapat kasi tinuruan mo muna ako," Saad ko bago kami tuluyang tumigil dahil sa narating na namin ang viewing deck.

I was fascinated by the view of the mountains. Totoo nga, napakaganda. The scenery made me smile automatically. The scenery alone is enough to make me happy.

"How about now? Gusto mo bang kumuha ng pictures?" Tanong niya habang muling binubuhay ang camera niya.

Tinignan ko siya na may malapad na ngiti at saka tumango. He smiled widely at me. Inalis niya sa leeg ang pagkakasabit ng camera at inilipat iyon sa akin. Inabot ko naman iyon nang iabot niya sa akin.

"Paano ba gamitin ng tama 'to? Ang alam ko lang kasi ay kung saan pipindutin para mag-capture," Natatawa ko sa sariling saad habang sinusubukang itapat sa view ng bulubindukin ang camera.

He just watched me before speaking.

"You first have to aim properly. Ano bang part yung gusto mong mas lumitaw? Then you'll focus the camera like this. . ." sambit niya.

The Stranger I Met in Baguio [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon