Day 4

7 1 0
                                    

Nakatulala lang ako habang naka tingin sa labas ng bintana ng bus na sinasakyan namin. Ine-enjoy ko ang mountainside view na nadadaanan namin habang binabaybay ang ruta papuntang Tuba, Benguet.

Yes! Day 4 will be so much fun. Well. . . I guess?

Pau and I are going to visit hot springs in Asin. Nabasa ko kasi sa ilang articles online na masarap mag-relax sa mga hot springs doon. Hindi ganoon ka famous 'yung lugar pero worth it daw ang byahe.

Maybe a warm bath can help me relax more. And besides, mainam iyon sa mga nanakit na kalamnan. Though, walang masakit sa akin gusto ko pa ring i-try.

"Looking at you right now, it's like you're a total different person from 3 days ago." Puna ni Pau habang kumakain ng shing-aling na binili niya sa isang vendor na sumabit sa bus kanina.

Nilingon ko siya na may ngiti.

"Oo, pansin ko din. Well, this is how I feel anyway. Pigilan ko ba dapat?" Tanong ko habang minamasdan pa din ang mountain side na nadadaanan namin.

Napaka relaxing ng tanawin. Puro green.

"'Di naman. Mas okay nga iyan e, mas gumaganda ka," Sambit niya habang ngumunguya.

Binilhan niya din ako ng kinakain niya, kaso ayokong kumain. Hindi kasi ako maganang kumain dahil na din sa kundisyon ko. Usually, sa mga kagaya ko ay mahina ang appetite.

"Binobola mo ba ako?" Naka taas ang isa kong kilay siyang nilingon.

Isusubo na niya sana ang isang piraso pa ng shing-aling nang huminto siya na nakanganga saka bahagyang nag-isip sandali.

"Medyo," Sambit niya saka nag kibit-balikat at isinubo nang tuluyan ang pagkain.

Napatawa naman ako. May saltik nga talaga ito.

He looked at me, smiling. Ngumunguya pa rin siya habang pinagmamasdan akong natatawa.

"Medyo, kasi maganda ka naman talaga. Mas nakakaganda kapag masayahin ka, kaya kung ayaw mong pumanget, ngumiti ka." Sambit niya sa akin saka pwersahang isinubo sa bibig ko ang isang piraso pa ng shing-aling.

Napangibit naman ako sa ginawa niya.

Wala ako sa mood ngumuya pero wala akong choice dahil pinasakan niya ang bibig ko. Pinalo ko lang siya sa braso na ikinatawa niya.

The destination is 16 kilometers northwest of Baguio. Malapit-lapit lang kaya maya-maya ay nandoon na kami lalo't bus ang sinakyan namin.

Tahimik na lang siyang kumain habang nakiki-share sa earphones ko at nakikinig ng mga paborito kong kanta. I am a big fan of Ne-yo kaya panay tracks niya ang nag p-play. I watched the sceneries outside as I listened to Ne-yo's songs. Pau just sat there, munching endlessly with all the snaks he bought earlier.

We arrived at a resort. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang pangalan dahil 'di ko naman na kailangang tandaan dahil alam kong this will be my first and last time to visit this place. Suwerte ko kung may pangalawa pa.

That's. . . If my heart is strong enough to survive another year.

Nakatulong din kasi yung pagiging cold ko at emotionless na tao sa pagtagal ng buhay ko. You know? Neutral kasi ang heartbeat ko palagi. Iwas pagod, iwas disgrasya.

Ngayon lang din medyo naging mabilis akong mapagod. Kahit wala akong ginagawa ay nararamdaman kong bumibigat ang hininga ko. 'Di ko talaga alam.

Maybe because in the 27 years of my life, ngayon lang ako naglakwatsa, o baka naman dahil malapit na ang oras ko? Siguro nga? Baka. . .

The Stranger I Met in Baguio [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon