Special part

9 0 0
                                    

"Good morning! how can I help you, ma'am?" Masayang bati sa akin ng babae sa front desk.

I see. It's been 5 years since my first and last visit here. Ang dami nang nagbago. Ngumiti ako ng matamis sa receptionist saka ipinatong ang wallet at cellphone ko sa counter.

"I'm Kaelah Olivar. I already booked a 1-week accommodation,"

"Okay, let me see ma'am," Sambit niya saka nagcheck ng online bookings. Maya-maya rin naman ay ngumiti siya sa akin kasabay ng pagkuha ng aking susi. "Kaelah Olivar, room 197. Enjoy your stay ma'am,"

She handed me my keys as I gave her my warmest smile before leaving. Hinila ko na ang dala kong maleta para sana pumunta na sa room ko nang marinig ko siyang tawagin akong muli.

"Ah, ma'am!"

Napalingon ako sa kaniya na lakad-takbo papunta sa akin.

"Naiwan niyo po," Magalang nitong sambit saka ini-abot ang wallet at phone ko.

Nahihiya akong napasapo sa ulo ko bago kinuha ang naiwan ko. Kailan ba mawawala sa akin ang pagiging makalimutin sa mga bagay na ipinatong sa counter? Gosh, this mannerism of mine!

"Gosh! thank you, Miss," Sambit ko bago muling tumalikod.

Nadinig ko ang tunog ng kaniyang sapatos tanda na umalis na siya habang ako nama'y naiwang nakatayo roon. Naiiling ako dahil sa sarili kong katangahan at dahil na rin sa ala-alang parating bumabalik sa akin sa tuwing may hahabol sa akin upang ibalik ang naiwan kong gamit. Muli akong nailing.

My phone rang kaya naman mabilis ko iyong sinagot bago muling naglakad. Gusto ko na kasing iababa ang mga gamit kong ito at mag pahinga. Mahaba ang naging byahe ko kaya't napagod ako. Just like 5 years ago, I took the bus kahit afford ko naman nang mag plane.

"Hello," Bungad ko kasabay ng paglalakad para dumeretso na ang naudlot kong pagpunta sa room ko.

"Yes, I arrived at my Hotel. It will be posted after the last day of my stay here. . . Thank you,"



The moment when I opened the door of my room, I froze. Sandali akong natigilan at natulala dahil ang dami nang ipinagbago ng mga bagay-bagay. It's nice though. La Brea Inn has grown so much from the building itself and the service. It's nice, It's really nice. . .

Pumasok ako sa loob at agad na hinubad ang suot kong scarf at sapatos. Ibinaba ko na rin ang phone at inihagis na lang basta sa kama.  Kakagaling ko lang sa byahe pero hindi pa ako maaaring magpahinga. I have a business to work on. A business I felt so excited to do. I took a quick, warm bath. It's only 10 in the morning and I can't wait to see the outside. I literally can't contain my excitement. After 5 years, I'm back.

Lumabas ako ng room ko at naglakad pababa suot ang isang cute pink bonnet, a white sweater, and a jeans. Wala akong ibang dala maliban sa phone at wallet ko. Binati ako ng mga nakakasalubong kong empleyado kaya't nginitian ko sila bilang bati pabalik. May ibang guests na nakakilala sa akin kaya't bumati rin sila. Nang makalabas ako ay dumeretso ako sa studio Cafe at kagaya ng La Brea, mas malaki na rin ito pero walang nabgao sa interior designs. Lumaki lang talaga.

"One americano for take out," nakangiti kong sambit. Ibinaba ko ang phone ko at binuksan ang wallet ko para kumuha ng pambayad.

"Here's your americano. Thank you, ma'am,"

Masaya kong kinuha ang order ko matapos magpasalamat saka tumalikod. I took a sip from my coffee and before I could even pull the door open, I turned back because I forgot something.

"I forgot. Sorry," Sambit ko sa babaeng nasa counter nang balikan ko at damputin ang phone ko.

Muntik na naman.

The Stranger I Met in Baguio [PUBLISHED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin