Chapter 20

352 6 0
                                    

Mindee's POV

"Good morning Min. Ba't parang zombie ka 'ata ngayon? Laki ng eyebags natin ah?" Tanong agad ni Kish pagkapasok ko sa room namin. Antok na antok akong lumingon sa kanya at saka siya pinaikutan ng mata.

Konti pa lang kami ngayon dito sa room, maaga pa kasi eh. Ewan ko kung bakit maaga akong ginising ng dalawang bruhang 'yon.

"Look of the day. Duh." Sarkastiko kong sagot sa kanya at saka siya nilagpasan. Narinig ko namang napatawa siya sa sinagot ko. Kinausap niya muna ang dalawa kong bruha na kasama na sina Seh at Trix.

Dumiretso na lang ako sa pwesto ko at saka walang ganang napaupo do'n. Ang aga aga, badtrip na agad ako. Eh kasi naman, nakakainis si Slade. Malapit kaya akong malunod nung time na yon dahil sa biglaang pagtalon niya sa tubig. Kundi lang talaga siya lumangoy agad palayo sa akin nung time na 'yon, eh malamang bugbog sarado yon sa akin. Pag siya nakita ko ngayon, sasabunutan ko talaga siya. Aba, dapat niyang pagbayaran ang ginawa niya sa akin.

Napaface palm na lang ako habang pinapalipas ang oras. Ilang minuto ang lumipas, nagsidatingan na rin ang iba kong mga kaklase. Umingay na din ang room namin dahil sa kanila.

"Yo Min! Musta pala yung pagkikita niyo ni Gold?" Sabi agad ni Rose sa akin pagkarating niya sa chair niya. Inilapag niya muna ang bag niya at saka siya humarap sa akin.

"Sorry din pala kung di ko na kayo masyadong naeentertain nun ha? Alam mo na ang boyfriend ko, gusto palaging nasa tabi niya ako. So ano nga ang nangyari? Dali, share mo naman!"

Huminga muna ako ng malalim at saka sumandal. Napahilot na lang ako sa sintindo ko at pilit ngumiti kay Rose. Ang hyper ng babaeng 'to ngayon ah? Ang ganda ng mood.

"It's good. Really." Yeah. It's really good Rose. I met my ex-boyfriend you know. Tch.

"Weh? Parang di naman ah?" She chuckled at saka niyugyog ng mahina ang magkabilang balikat ko.

"Yung totoo nga Min! Pleeease? Ano, gwapo si Gold noh? Ayieeee~" sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko habang patuloy niya akong inaasar.

"Sige na nga lang. Gwapo na si Gold. Oh ayan ha, tumigil ka na!" Ngumuso ako sa kanya at saka mahina siyang itinulak.

"Inamin din niya. Ayiiiieee. Hahaha. Pero seryoso, sinong mas gwapo sa kanila ni Slade?" Tumaas baba pa ang dalawa niyang kilay at nginitian ako ng pilyong ngiti.

"Ikaw talaga Rose ha! May Mike ka na gumaganyan ka pa! Baka marinig ka niyan ni Mike." Sabi ko sa kanya na nagpasimangot sa kanya.

"Nagtatanong lang naman eh!" Nagpout pa ito at saka kinuha ang libro na dala niya. "Oh sya, mamaya na kita kukulitin, magbabasa pa ako!"

Tumango na lang ako sa kanya at saka napagpasyahang matulog na muna. Maaga pa naman eh.

"Hi babe." Narinig kong bati ni Mike kay Rose. Lovers.

NEXT subject na at ngayon ay PE namin. Katatapos lang naming magbihis ng PE uniform at ngayon ay papunta na kami sa field ng school. Football kasi ang lalaruin namin ngayon eh. Di naman mainit kasi naman cloudy ngayon.

Tinali ko into messy bun ang buhok ko at saka inayos ang pagkakatali ng shoelace ko. Pagkatapos ay humabol ako kina Sehya na nauna nang naglakad sa akin.

Pagkarating namin sa field, dumiretso muna kami sa may bleachers upang ilagay ang mga dala naming water bottles doon. Inayos ko ang suot ko ngayon na PE shorts at white T-Shirt with NEIS logo on it.

"Okay class! Attention!" Sabi ni Ma'am sa amin kaya naman nagsilapitan ang ibang classmates namin na noon'y nagkalat na sa field. Lumapit na din kaming tatlo doon.

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon