Chapter 8

859 12 0
                                    

Mindee's POV

Katatapos lang ng klase namin sa subject na Math at ngayon, breaktime na. Nasa cafeteria na ako ngayon, kasama si Sehya at Trix.

"Dapat tinawagan mo ako para naman nakasali ako diyan sa cockpit mo!" Sabi ni Seh sabay sipsip sa lemon juice niya. Ikinuwento ko kasi sa kanila ang away portion namin kagabi ni Valeria. And yang pinagsasabing 'cockpit' ni Sehya ay yung away namin.

"Haha. Nakalimutan ko eh. Don't worry, sa susunod, isasali na kita." Biro ko kay Sehya at saka sumubo ng chocolate cake na inorder ko kanina.

"Guys? What are you talking about?" Inosenteng tanong ni Trix sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Seh sabay halakhak. Di pa kasi masyadong nakakaintindi ng tagalog si Trix eh kaya palaging OP pag nag-uusap kami ni Sehya.

"We're talking about the fight. By the way, did you listen to Paramore's new song?" Tanong sa amin ni Sehya.

"Uh.. what's the title?" Ako sabay subo na naman ng cake.

"The title's Ain't it fun!" Bulalas ni Trix sa amin sabay taas baba ng dalawa niyang kilay. Napailing na lang ako sa kanya at mahinang tumawa.

"I assure you, ang ganda ng kanta!" Madrama pang sabi ni Sehya sa akin at saka tumawa. Napatawa naman ako sa mga kabaliwang alam niya.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng inorder namin ng naagaw yung atensyon namin sa lalaking kakapasok lang sa cafeteria.

He has a dark aura. Nakabukas yung tatlong butones ng polo niya saka napaka messy na ng kanyang buhok pero sexy pa ding tingnan. May kumikinang itong panglalaking hikaw sa kaliwang tenga nito na nagpapatingkad ng kanyang maangas look. Mestizo ito at parang nasa 6'1 ang taas.

To make it short, si Slade.

"Bullcrap. The liar is here!" Inis na sabi ni Sehya sa amin at tiningnan niya si Slade ng matalim kahit di ito nakalingon sa amin.

"You didn't told us you're close friends." Pang-aasar ni Trix sa akin at sinundot pa yung tagiliran ko.

"Duh? I don't even remember him as may friend. Psh" inirapan ko na lang si Trix na nakangiti sa akin ng nakakaloko. Dinagdagan ko pa ng, "Don't look at me like that."

"He's looking for someone." Flat na sabi ni Sehya sa amin. Nakatitig lang ito kay Slade. Napalingon na lang ulit kami sa Slade na 'yon na para bang may hinahanap na tao. Baka naman ako ang hinahanap niya? Assumera talaga ako.

Sa dinami-dami ba namang mga estudyante ngayon dito sa cafeteria, mahahanap niya kaya ang hinahanap niya? XD

"I'm looking for a girl named Mindee Segovia!" Inis na sigaw nito sa mga estudyanteng nandidito sa loob. Tumahimik naman ang lahat at napunta sa kanya ang mga atensiyon namin.

Tama nga ako, ako ang hinahanap niya. Ano na naman kaya ang gagawin niya?! Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to. Di ako tatantanan eh! Mapadito man o dun!

Nagsimula na namang umingay ang loob ng cafeteria matapos siyang magsalita.

"He's looking for you obviously." Sabi ni Sehya at sumisipsip sa lemon niyang juice. Napasandal na lang ito sa love seat.

"Why is he looking for you?" Tanong naman ni Trix.

"Basta. Long story kaya maya muna ang kwento. Wag niyong siyang lingunin para di niya tayo makikita."

For now, I'll just focus on my food and forget about that Slade thingy.

Secrets of that Hot GuyWhere stories live. Discover now