Chapter 22

174 3 0
                                    

AN: Sorry for the supeeeeeeeeer late update. Huhu.


Cray's POV

Sa wakas at nabigyan na ako ng POV ng magandang author. (AN: Naniniwala naman ako sa pambobola mong Cray ka. Che! )

Okay okay. Alam kong gwapo din ako kaya nga nandidito ako ngayon sa library. Break time pa namin kaya naisipan kong magstandby muna dito. You know, chillin'. Nakakapagrelax kasi ako dito eh. Hindi maingay tapos walang masyadong tao. Nakakapagod din naman kasi yung palaging may bumubuntot sayo na mga chixx. Hayy ang hirap maging gwapo.

The heck, hindi ako geek ha o kaya'y bookworm. Baka isipin niyo na ganyan ako dahil nandidito ako sa library. Sa gwapo kong mukhang 'to? Tss. Si Mindee lang siguro ang di nagkakagusto sa akin. Yeah, may gusto ako kay Mindee, halata naman diba? Di kasi ako yung tipong taong naglalaro ng taguan ng feelings. Well, kahit di ko pa nasabi ni Mindee yung nararamdaman ko sa kanya (ang gulo pa ng sitwasyon namin ngayon eh kaya di muna ngayon) alam niya naman na siguro? Ah basta, I like her.

I like her that instant my eyes landed on her when we first met. I know this is so corny to say pero nung nagkita kami, feel ko talagang may sparks na namamagitan sa amin eh. Oh God. This is so fvcking gay.

Nabalik yung ulirat ko ng mapansin kong may lalaking dumaan sa labas ng library. Kitang-kita ko ito dahil wala namang estudyanteng nakaharang sa bintana ng library. Mga lima lang nga din kami dito eh.

Fvck, intruder yun ah? Kahit na nakauniporme yun ng katulad sa amin ay alam ko pa ring intruder yun dahil di ko pa yun nakikita dito sa NEIS and base na rin sa ayos nito. Napailing na lang ako at saka ibinalik ang atensyon sa librong hawak ko ngayon. Alam kong alam na ni Slade na may intruder or intruders na nandidito. Sus yung Slade na yun? Ang talas kaya ng vision at hearing nun.

Ten Ways to Make the Girl Falls inlove with you..

Agad kong nailapag ng wala sa segundo ang librong hawak ko noon ng mabasa ko gamit ang aking mata ang title nun. Ba't yan yung nakuha kong libro?! Wala akong interes sa pagbabasa at kumuha lang ako ng libro upang ipangtakip sa mukha ko kapag natutulog ako dito.

Sht. Sinadya ba talaga 'to upang mabasa ko ito?! Dahil kung oo, well fvck that, I am not that desperate and pathetic to make Mindee falls for me. Well maybe a bit but damn it, I'm not going to read that book. Kung di niya ako gusto, okay fine. Di naman ako namimilit eh.

Sht dude, I know Slade likes Mindee. I can see it in his eyes. Grabe, kung makatingin siya kay Mindee, parang wala na siyang pake sa paligid niya!

Naalala ko yung sinabi ni Frex sa akin nung andun pa kami sa Pacifico Resort. Alas dos na yun ng madaling araw ng makapag-usap kami ni Frex.

Arrgh. So what kung gusto din ni Slade si Mindee? The hell I care.

Ten Ways to Make the Girl Falls inlove with you..

Basa ko na naman ulit sa libro kaya naman napahilamos na lang ako out of frustration at tinitigan ang libro. No, I'm not going to read that.

Dude, alam ko ding may gusto ka kay Mindee. Alam ko yun dahil napaghalataan kitang nagseselos sa akin kanina nung hinawakan ko ang kamay ni Mindee. Hahaha. Aba, lumalove triangle kayo ni Bossing ah? Ang tanong nga lang, sino kaya yung nagugustuhan ni Mindee sa inyo? Hahahaha.

Bumalik na naman sa isipan ko yung pinagsasabi ni Frex sa akin nun. Ahh sht. Sumasakit na ang ulo ko. Sino nga ba talaga ang nagugustuhan ni Mindee sa amin ni Slade?! Walanjo talaga 'tong Frex na 'to eh. Ginugulo yung isipan ko. Sasapakin ko talaga yun mamaya.

Secrets of that Hot GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon