Chapter 15

663 10 0
                                    

Mindee's POV

Tinitigan ko ang screen ng phone ko. Napagpasyahan ko na lang na di sagutin yung tawag. Baka mamaya, killer pa 'tong caller na 'to.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng magvibrate na ulit ang phone ko. Pagkatingin ko, yung unknown number na naman. Pinatay ko ang tawag at saka binalik sa bulsa ang phone ko.

"Let's transfer to another table." Sabi ni Seh at saka umalis sa stool. Umupo siya sa may bakanteng seat na nasa pang-apatang table.

"Ohkay." Sumunod na rin kaming dalawa sa kanya at saka umupo sa seat dun. Marami rami na din ang mga tao dito sa loob, halos occupied na ang lahat ng seats.

Brrrrt. Brrrrt. Brrrrt.

Ayan na naman, nagvivibrate na naman ang phone ko. Sa pagkakataong ito, napagpasyahan ko na na sagutin ang tawag na 'to.

"Excuse me lang girls. Sasagutin ko muna 'tong tawag." Lumayo ako dun at sakto namang pagkaalis ko dun ay siya namang pagdating ng order namin.

Lumabas ako sa may cottage at ng nasa may buhangin na ako ay sinagot ko na yung tawag.

"Hello?" May pagkairita kong sagot sa kung sino man ang caller na 'to.

"Hey." Medyo paos na sagot naman ng taong nasa kabilang linya. Ang ganda ng accent niya, ewan pero ang ganda talaga. Yung boses pa niya, very seducing tapos napakamanly tapos, ah ewan.

Bigla ay parang nagising lahat ng natutulog kong hormones sa boses ng lalaking caller. Tiningnan ko ang screen, yung unknown number nga.

"He-Hey? Who's this?" Tanong ko at saka sumandal sa may palm tree doon. Napapatingin naman sa akin ang dumadaan sa harapan ko. Ngayon lang ba kayo nakakita ng model? XD

" *chuckles* Little brat." Nanlaki ang mata ko when realization slap my face. Si Slade ang kausap ko sa phone for Pete's sake! Binabawi ko na ang pagcocompliment ko sa boses ng ungas na 'to. Urgh!

"Hoy ungas ka! Ba't ka tumawag at saka ba't may number ka sa phone ko?!" Iritang irita kong sigaw sa kanya sa phone. Sa lahat ba ng pwedeng tumawag, siya pa talaga?! Oh my God.

"Sabihin mo na lang kasi na miss mo 'ko." Parang bago lang 'tong gising ah? Base sa boses niya. Shet, parang nang-aakit to ah!

"Ikaw mamimiss ko? Tss. Anyway, kung wala kang importanteng sasabihin sa akin, ibababa ko na 'to. And one more thing, are you stalking me? Ba't may number ka sa akin?!"

Nilingon ko sina Seh sa loob, nakatingin din sila sa akin at parang ako lang yung hinihintay nila para magsimula nang kumain. I mouthed go ahead kaya naman nauna na silang kumain.

"Haha. Ano ka? Chiks? Na kailangan kong istalk? Hmm. Total pwede ka rin namang pagtyatyagaan---" pinutol ko ang sasabihin niya sa akin.

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo Mr. Ferrero!" Giit ko sa kanya sabay lagay sa bewang ko ang isa ko pang kamay.

"And I'm neither. Haha." Rinig na rinig ko ang paghinga niya. Shoot. Ang hot ng boses niya. "I called you because may itatanong ako sayo about the unit."

Napaikot ko na lang 'yong mata ko at saka napatingin sa mga taong naliligo sa dagat. Dahil sa mga lights na nasa may mga puno na nakatuon ang liwanag nito sa dagat ay maliwanag na ang parteng naiilawan ng mga ito. Ang saya-saya ng mga taong naliligo sa dagat. I wonder if they have problems too.

"What is it? Bilisan mo at kakain pa ako." Ano na naman kaya ang itatanong ng isang 'to?

"Mindee!" Napalingon ulit ako sa kinaroroonan nila Sehya. I gestured five minutes at her at saka humarap ulit.

Secrets of that Hot GuyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora