Chapter 6: Crush ko si mam

2.2K 13 1
                                    

Lunes.

"Hulyooooooo!! Tang ina ka bumangon kana diyan!! Wala ka ba talagang balak pumasok sa eskwela."

Agad napabalikwas ang binata sa pagkakahiga ng maalimpungatan sa tinig ng kanyang ina. Parang umulit na naman ang mga naganap noong isang linggo.

"Bunganga talaga ni Inay oh." maktol niya ng pupungas pungas niyang kunin ang tuwalya sabay baba sa hagdan papunta sa kubeta.

Naabutan niya ang nanay niya sa bungad ng hagdan. Mukhang inaantabayan na naman siya kung bababa.

"Ano ka bang bata ka? Wala kaba talagang pangarap na makatapos ng high school? Araw araw na lang ay pahirapan ka sa pagbangon." galit na sabi ng kanyang ina habang naka pamewang pa.

"Eto na nga po, liligo na." padabog niyang yabag sa kahoy na hagdan.

Lunes na naman.
Umpisa na naman ng araw para sa estuyanteng kagaya niya. Para siyang nakasakay sa isang gulong na patuloy ang pag-ikot ng paulit ulit. Araw-araw ganoon ang sistema.

Bakit ba kailangan pang pumasok?

Bakit ba kailangan pang mag-aral?

Isip-isip niya habang nag-uumpisang maligo. Ngunit bigla niyang naisip na wala ang kinaiinisan niyang titser na si Mrs. Rodriguez kaya kahit papaano nawawala ang kanyang kunat sa katawan.

"Sana wala pa ring teacher sa Araling Panlipunan." dasal niya habang nagsasabon.

Mabilis niyang tinapos ang pagligo at agad nagbihis ng uniporme. Mabilis siyang lumabas at sa kanyang pagdaan sa bahay nila Celia ay nasa labas din ito at nagpapaalam ang asawang si Bert.

"Good Morning July." sabi ni Celia sa kanya.

Hindi siya umimik bagkus nagtatakbo na parang nakakita ng multo. Narinig pa niya ang pagtawa ng dalawa.

Gaya ng kinagawian nila ng ilang taon muli niyang dinaanan si Adre at sabay pumasok.

Mabilis lumipas ang oras at handa na ang katawan niya sa pag uwi at inaasahan na wala ng magtuturo ng Araling Panlipunan. Nagulat siya ng napatayo ang lahat maging siya ay napasunod din.

"Si principal." gulat niyang sabi sa isipan.

"Good Morning! Mr. Cortez." sabay-sabay na wika ng mga kaklase niya.

Pumasok ito ng silid nila kasama ang isang guro.

"Pakshet!!" sabi niya sa kanyang isipan ng makita ang kasama ng kanilang principal.

"Class, This is Ms. Robles. Substitute teacher kapalit ni Mrs. Rodriguez. Makakaasa ba ako na igagalang niyo siya?"

"Yes sir!" sagot na malakas ng kanyang mga kaklase lalo na ang mga nangingibabaw na boses ng mga lalaki.

Marahil ay kapares niya rin ang pakiramdam ng mga ito tungo sa kanilang bagong guro. Napakaganda nito at batang-bata pa. Ang pares ng unipormeng pang teacher ay parang naging pamormang damit dahil sa ganda nitong magdala.

Kulay mapusyaw na violet ang uniporme ng guro sa kanila na bagay na bagay sa kutis na maputi ni Ms. Robles. Bagamat nakapants ito ay kita niya ang kaputian sa braso.

"Ang ganda ni Ma'am." Habang nakatulala na nakatitig at hindi iniintindi ang sinasabi ng kanilang principal at kahit isa ay wala siyang naintindihan.

"Crush ko si ma'am." Para siyang nangangarap ng gising. Na love at first sight ata siya.

Kahit minsan ay hindi pa siya nakaranas na mabighani sa babae maliban kay Celia na kanyang pinagnanasaan. Subalit iba si Ma'am, napaka disente nitong tingnan. Hindi katangusan ang ilong nito subalit bagay sa pigura ng kanyang mukha. Mahaba din ang kilay nito at maganda ang pagkaka kurba.

July  [R-18]Where stories live. Discover now