Chapter 10: Gitara

2K 11 1
                                    



Lumipas ang mga buwan na walang aberya at lagi siyang inspirado lalo na sa kanyang crush na guro.

Ngunit napansin niya dito na parang nagbabago ang ugali nito. Lumalabas ang tunay na kulay. Kung dati-rati ay parang hindi ito makabasag pinggan ay ngayon ay parang nagiging wild na ito.

Pansin niya rin ang pagsusuot nito na parang sadyang inilalabas ang laman. Dati rati ay lagi itong nakapantalon. Ngayon ay lagi nalang nakapalda at walang stockings kaya lalong pinuputakti ng mga makasalanang mata lalo na ang kanilang principal at teacher sa P.E na si Mr. Torres.

Pansin niya rin dito ang pagiging malapit ng kanilang P.E teacher kay Ms. Robles. Pakiramdam niya ay may gusto ito sa kanilang gurong lalaki dahil sa matipuno ito at magandang lalaki. Wala naman masama dahil sa binata naman ito ngunit nakaramdam siya ng selos kahit wala siyang karapatan. Bukod pa doon ay hindi siya boto dito dahil sa pagiging manyakol (manyak sabay jakol) nito. Kahit ang kanyang magandang bestfriend na isang tiburcio ay hindi nakaligtas sa kamanyakan nito.

Hapon noon at uwian na sila ng mahagip siya ng isang teacher at mautusan sa principal's office. Walang ibang daan kundi sa may faculty room ng may marinig siyang mga ungol.

"Ooohhhh", ingay na narinig niya sa loob ng faculty.

Na curious siya at bahagyang sinilip ang bintana. Laking gulat niya ng makita si Ms. Robles na tumitirik ang mata na umuungol. Nakaupo ito sa swivel chair at ang kamay ay nasa ilalim ng lamesa. Hindi niya makita ang ginagawa nito dahil sa nakaharang na table.

"Ooohh Julyyyy! Hmmmpp..", gulat na gulat siyang narinig ang kanyang pangalan.

"Pakshet! Pinagpapantasyahan ako ni mam."
Sambit niya sa sarili.

Sumulak ang kaba sa kanya at mabilis umalis sa bintana at tumungo sa principals office. Hindi siya makapaniwala na type siya ng kanyang magandang guro. Kaya pala minsan ay kusa nitong pinapasilip ang panty nito kapag nakaupo na nakaharap sa kanya at kunwari ay pageekisin ang hita.

Biglang nawala ang paghanga niya sa kanyang guro na akala niya ay isang Maria Clara. Marami palang libog sa katawan na itinatago ito. Patunay doon ang paglandi nito sa principal at nakuha nito ang pagiging adviser ng kanilang section. Pabor naman sa kanya iyon subalit nanghihinayang siya sa yumi at ganda na ipinakita ni Ms. Robles noong una niya itong makilala. Napalitan ng pagnanasa ang kaniyang paghanga at wala ng pinagkaiba ang pakiramdam niya kay Celia at kay Ms. Robles.

Halos magtatapos na ang taon at gaganapin na nila ang kanilang christmas party.

Napagbotohan ng kanilang section na ganapin na lang iyon sa kanilang room at magkakaroon ng presentation.

Si Ms. Robles na talaga ang nagsilbi nilang adviser kahit bumalik na sa pagtuturo and dati nilang adviser. Malaking pabor naman sa kanya yon dahil sa mainit sa kanilang dalawa ni Adre si Mrs. Rodriguez.

Nagkaroon ng palabunutan tungkol sa kung anu-ano ang dapat iperform na talento sa gaganaping party. Halos lahat ay kailangang makisali dahil sa bahagi iyon ng pagiging highschool.

"Pards, ano nabunot mo?" tanong niya kay Adre.

"Any kind of talent involving music." basa ni Adre.

"Ang hirap ata niyan Pards. Eto akin original poetry." wika niya.

Napahalakhak si Adre sa nabunot ni July.

"Ay! Naku! Pards. Mas mahirap yang sayo." balik nito sa kanya.

Abala ang lahat sa pag-eensayo ng kani-kanilang presentasyon sa christmas party. Pagkatapos noon ay bakasyon na sila at sa Enero na uli ang pasok.

July  [R-18]Where stories live. Discover now