Chapter 16: My Loves

2.4K 20 1
                                    

SPG (HARD) Read at your own risk.

Nagpatuloy ang buhay niya at tangan tangan ang alaala ni Ms. Robles.

Nakatanggap siya ng panibagong gig sa isang bar din sa Q.C. at mabilis niyang kinagat dahil sa ganda ng bayad.

Bukod pa doon ang kakaibang gimik nito na hindi sa live stage kakanta kundi sa isang booth sa likod. Pabor sa kanya iyon dahil sa mas gusto niyang boses niya lang ang naririnig. Parang nagsisilbing background music lang ang dating nila sa bar habang mga customers ay nagsasayawan kapag masaya ang tugtugin at ang iba naman ay nagkukuwentuhan.

Halos dalawang linggo na siyang kumakanta doon kada biyernes at sabado.

Lingid sa kanyang kaalaman na sa bar na iyon ay nandoon ang matagal na niyang hinahanap.

Si Adre.

Set na niya at forte niya ang alternative rock. Iyon ang madalas niyang kantahin at ang mga request sa ganoong genre ay madali lang sa kanya. Bukod pa doon ay siya talaga ang ipinupunta doon ng ibang customers subalit ang kanyang pagkatao ay lihim sa mga ito. Kabi kabila ang tip na natatanggap niya sa humahangang customers dahil sa halos plakado niya ang mga boses ng sikat na alternative rock bands.

3 Doors Down. Creed. Staind. Nickleback at marami pang iba.

Nakaupo sa isang table sina Adre at isang kaibigan nito habang umiinom. Lingid sa kaalaman niya ay isang ganap na babae na si Adre. Ang dating totomboy tomboy ay isang kaakit akit na babae na ngayon na may porselanang kutis. Mahabang buhok, maliit at maamong mukha.

Narinig nito ang pag awit niya ng Hanging by a Moment na pinasikat ng Lifehouse. Ilang oras na silang nakatambay sa bar at marami ng nainom na mabilis namang umepekto.

"I want that singer to sing in my wedding." sabi ni Adre sa kausap na babae habang itinuturo ang boses na nagmumula sa malalaking speakers na hindi niya alam ay galing sa pinakamalapit at nawalay na kaibigan noong highschool. Lango na ito sa alak at mapungay na ang mata.

"That's so cheap, why don't you hire a real singer?" sagot ng kausap na may pagkasuplada.

Hindi sinagot ni Adre ang kausap at kumuha siya ng isang tissue at sumulat pagkatapos ay tinawag ang waiter.

"Pa request." sabay abot niya ng tissue sa waiter.

Mabilis naman dinala iyon sa likod kung nasaan ang booth niya at inabot ang isang request. Matapos kantahin ang iba pang awitin na nakapila ay ang request ni Adre.

"This next song is dedicated to Adrienne. Titled Adrienne." Malamig na sabi niya sa mikropono.

Nag umpisa siyang banatan ang kanta ng The Calling na naging paborito niya rin dahil sa kapangalan ng kanyang bestfriend. Muli naman niyang napahanga si Adre na walang kamalay malay.

"I really really want that guy to sing in my wedding Chin." pautos na sabi nito sa kausap.

"Okay! Fine! I will talk to him later." sagot naman ng kausap na babae nito na may pagkaasar dahil sa hindi boto sa sinabi ni Adre.

Matapos ang request na kanta ay lango na si Adre sa alak ng magpaalam ito sa kausap na pupunta ng comport room.

Agad naman nakarating  kay July na gusto siyang makausap ng isang Vip na customer at agad siyang lumabas.

"Table 6 pare." Sabi ni George sa kanya na isang bartender.

Lumapit siya sa nagsosolong babae na nakaupo.

"Excuse me mam." sabi niya sa babae.

Mukha itong chinese at slim. Matangkad din ito na mahaba ang buhok na naka pig tail na nakalaylay ang ibang buhok sa harapan. Mukha itong sosyal at apat din ang mata (nakasalamin).

July  [R-18]Where stories live. Discover now