Chapter 7: In Love

1.9K 9 0
                                    



Kinabukasan.

"Hullll...."

Naputol na sigaw ng kanyang ina ng makita siyang pababa sa hagdan at bihis na ng uniporme.

"Aba! Himala ng mga himala! Ang aga mo ata." gulat na sabi ng kanyang ina.

"Syempre nay. Ang estudyante kailangan laging maagap. May kasabihan na daig ng maagap ang masipag. Dahil sa hindi ako masipag, aagapan ko na lang," sabi niya sa kanyang ina na nakatayong tulala.

"Sige po pasok na ko, nay, tay," paalam niya sa ina na hindi makapaniwala at sa tatay niyang nagkakape sa lamesa.

Tuluyan siyang lumabas ng bahay.

"Ano kaya nakain ni July?" wika ng ina niya sa kanyang tatay.

"Ayaw mo noon at kilos binata na si July." sagot naman ng ama niya.

Ganado siya ng mga araw na iyon at excited sa bago nilang guro.

"Lola Cencia si Adre?" sabi niya sa matanda na nag-aayos ng paninda.

"Aba! July at napaaga ka ata?" wika nito.

"Excited ho ako mag-aral eh." pagyayabang niya.

"Nako! Siguradong magpapa pansit ang nanay mo niyan sa tuwa." sagot nito sa kanya.

"Antayin mo nalang si Adre at siguradong naliligo pa lang yon. Umupo ka muna diyan sa gilid." dugtong pa nito.

Halos ilang minuto rin siyang nag-aantay ng bumukas ang gate nila Adre.

"Kanina ka pa daw sabi ni lola. Masyado ka naman ata maaga." sabi sa kanya ng kaibigan.

"Di ba sabi mo mag-aral ako. Kaya eto, ganadong ganado ako at sana apat na oras ang Araling Panlipunan natin. Tanggalin na lahat ng subjects at itira nalang ang Araling Panlipunan." tugon niya habang malaki ang ngiti.

"Ayon! Si Ms. Robles pala ang dahilan at hindi ang makatapos ka ng pag-aaral. Ewan ko nga sayo." pagalit na sabi ni Adre.

"Pards naman. Okay na rin yun." pagpupumilit niya.

"Bahala kana nga, sabagay maganda na rin yun at hindi na mahihirapan ang nanay mo sayo sa pamimilit na pumasok ka."

Pakiramdam niya ay kay bilis ng oras ng umagang iyon at sumapit na ang oras na kanyang pinakahihintay.

"Ayos. Araling Panlipunan na." bulong niya na hindi nakaligtas sa tainga ng katabing si Adre.

Iiling iling si Adre sa nakikitang ikinikilos ng kaibigan. Hindi nagtagal ay namataan nila si Ms. Robles na lumalakad ng seksi.

"Ayan na si ma'am. Ayan na si ma'am. Ayan na si ma'am. Yes." paulit-ulit niyang bulong habang pinagkiskis ang dalawang kamay.

"Tumigil ka nga July. Para kang abnoy." saway ni Adre.

Nag-umpisang mag lecture si Ms. Robles subalit kahit isa ay walang siyang naintindihan at walang ibang ginawa kundi ang iimagine ang magandang guro.

Nahahalina siya sa bawat galaw ng katawan nito na sumasabay ang buhok na maitim na hanggang balikat. Napadako ang mata niya sa matambok na puwet ng guro at humanga lalo siya. Mas matambok pa kay Celia. Malamang ay dahil nakasuot ito ng heels kaya lalong umiskwad ang puwet nito.

"Malaki kaya boobs ni Ma'am?" isip niya habang naglalaro sa alapaap ang kanyang ulirat.

Naputol na lamang iyon ng magtayuan ang kanyang mga kaklase dala ang kani-kanilang bag.

"Ha! Uwian na agad?" gulat niyang sabi.

"Bakit? Ayaw mo? Dito kana lang. Una na ko." sagot ni Adre.

July  [R-18]Where stories live. Discover now