CHAPTER SIX:BAKASYON

129 19 3
                                    


THIRD PERSON'S POV

Ilang minuto pagkatapos nilang magtalik, hinahabol pa rin ni V ang kanyang hininga nang may na-realize siya.

Hindi sumagot sa halik niya si Jisoo nang maraming beses. At naguluhan siya dahil dun.

Para siyang nasa langit kanina at gusto niya maramdaman din ito ni Jisoo... Gusto niyang masiguro na maibigay sa kanya ang parehong sarap at saya na binigay sa kanya ni Jisoo.

Bumangon ng konti si V at pinalingon si Jisoo na nakatalikod sa kanya.

At doon niya nakita na umiiyak siya. Anong nagawa niya?

"Jisoo... babe..." naramdaman ni V na parang may sumuntok sa dibdib niya noong nakita niya si Jisoo na umiiyak.

"Babe, bakit ka umiiyak?"

Sinubukan ni Jisoo na pahirin ang mga luha niya pero pinigilan siya ni V.

"Sorry... sorry talaga... akala ko... akala ko gusto mo yun... gusto mo ko na..."

Hinawakan naman ni Jisoo ang bibig ni V.

"Gusto kita. Gusto kita, sobra." Sabi ni Jisoo.

"Pero umiiyak ka..." sabi ni V. "Pinagsisisihan mo ba?"

Umiling si Jisoo.

"Hindi. Walang dapat na pagsisihan."

Hinawakan naman ni V ang pisnge ni Jisoo at pinahid ang mga luha nito.

"Pero bakit?"

Hindi ba siya nasarapan? Bago pa mag-isip ng ibang bagay si V na pwedeng dahilan kung bakit umiiyak si Jisoo. Nagsalita ulit si Jisoo.

"Unang beses ko yun." Sabi ni Jisoo.

Birhen...

Virgin pa si Jisoo!

Napapikit si V. Syempre! Siya ang masiyahin at inosente na Jisoo, diba?

Anong nagawa niya? Hindi siya nagdahan-dahan! Gustong-gusto niya siya nang sobra sa puntong nakalimutan niya magdahan-dahan. Napuno ang isip ng pagnanasa niya kay Jisoo at hinayaan na kontrolin siya nito.

Hinahawakan naman ni Jisoo ang pisnge ni V.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Kitang kita ko sa mga mata mo. Makinig ka, nakaramdam ako ng mas maraming sakit kesa dito dahil sa pagmamahal ko sa'yo." Sabi ni Jisoo.

Yung mga salitang yon ang pumunit sa puso ni V.

Lahat ng sakit na pinaranas niya sa kanya... tiniis at titiisin pa niya ang sakit... dahil lang sa pagmamahal niya.

Pano niya minahal si V na mas higit pa sa pagkaintindi niya...

"Itong klase ng sakit, ginusto ko to. Hiniling ko to. At ngayon nangyari na. Masaya ako at nangyari to." Sabi ni Jisoo. "Dahil para sayo titiisin ko, V Oppa."

Pinagdikit ni V ang mga noo nila.

"Hindi kita deserve at alam ng diyos yun." Sabi ni V.

Hinalikan ni V ang noo ni Jisoo.

So... sumuko na si V. Kahit na gaano pa katibay ang pader na ginawa niya sa pagitan nilang dalawa... hindi ito kinaya ng pagmamahal nilang dalawa sa isa't-isa.

Oras na para sumuko...

Kasi tapos na ang laban...

Dahil natalo siya...

Lumambot na ang puso niya...

Nakaupo si V sa harap ni Namjoon. Kanina pa nakatulala si V at pinagmamasdan naman siya ni Namjoon.

STARGAZER [COMPLETED] Where stories live. Discover now