CHAPTER EIGHTEEN:BATO

87 14 0
                                    


THIRD PERSON'S POV

Hinatid na ni Jinyoung si Tzuyu sa hotel na pinagtutuluyan niya. Pumunta naman sila sa hotel bar. Nasa pangatlong baso na ng wine si Tzuyu habang si Jinyoung ay nasa pangalawa.

"Hindi ako makapaniwala na hinyaan mo silang mag-usap ng ganon." Sabi ni Tzuyu. Nanginginig din yung kamay niyang habang hawak-hawak yung baso.

"Ano namang gusto mong gawin ko? Harangin si V na kausapin si Jisoo? Ilang beses ko na ba ginawa yun? Makakapag-usap din sila lalo na't nagtatrabaho si Jisoo kay V." Sabi ni Jinyoung.

Kinagat ni Tzuyu ang kanyang labi habang sinusubukang pigilang pumatak ang kanyang mga luha.

"Hindi mo alam kung anong kapalit ng ginawa mo." Sabi ni Tzuyu. "Hindi mo alam na–"

"Alam ko. Magtiwala ka sakin. Alam ko." Pagputol ni Jinyoung.

Binaon naman ni Jinyoung ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.

"Nakita ko yun sa mga mata ni Jisoo. Hindi, hindi lang ngayon. Maraming beses ko yun nakita sa mga mata niya. Pero lagi ko pa ring sinasabi sa sarili ko na may chansa pa rin ako sa kanya. Hindi makakabuti sa kanya si V. Hindi siya deserve ni Jisoo." Sabi ni Jinyoung.

Nagbuntong hininga si Tzuyu habang isa-isa nang tumulo ang mga luha niya.

"Ngayon... wala na tayong chansa sa kanilang dalawa." Sabi ni Tzuyu. "Mahal siya ni V... Nakita mo dapat yung pangungulila at sakit sa mga mata niya noong kinukwento niya yung ex-wife niya. Sa tingin ko rin, kahit kailan, hindi talaga siya naka-move on. Minahal niya pa rin si Jisoo kahit na alam niyang wala na silang chansa sa isa't-isa."

Madiin na pumikit si Jinyoung.

"Mahal din siya ni Jisoo... Sinubukan naman niyang itago ang pagmamahal niya gamit ang galit niya. Marami siyang pwedeng dahilan para kamuhian siya. Sinubukan niyang panatiliin yon kahit na alam ng puso niya na mahal pa rin niya si V. Sa huli, mas nangibabaw ang pag-ibig kesa sa poot..." Sabi ni Jinyoung.

Kinuha ni Tzuyu yung baso ng wine at tinungga ito.

"Babagsak na si V. Siguradong mahihirapan na siyang makabangon dito." Sabi ni Tzuyu.

Napapikit si Jinyoung.

"Ang alam ko, napakatalinong negosyante ni V. Mahihirapan man siya pero sigurado akong hindi siya matatalo dahil lang sa scandal." Sabi ni Jinyoung.

Uminom na si Jinyoung.

"Importante ang Polaris kay V." Sabi ni Tzuyu. "Ipaglalaban niya yon kahit anong mangyari."

"Siguradong gagamitin ng mga kalaban niya si Jisoo. Alam na nila ngayon kung ano ang kahinaan niya." Sabi ni Jinyoung.

Nagbuntong hininga si Tzuyu.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito." Sabi ni Tzuyu.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Noong nakauwi na si Jisoo sa apartment nila, nagulat si Sunny noong nakita niya ang mga sugat ni Jisoo.

"A-anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Sunny.

"Mom... kumalma kayo. Aksidente lang to... mga daplis lang." Sabi ni Jisoo na nasa pintuan pa rin.

"Lumapit ka dito at titignan ko yang mga sugat mo." Sabi ni Sunny.

Pero nanatiling nakatayo pa rin si Jisoo sa pintuan.

"Mom... ang totoo niyan, may kasama ako." Sabi ni Jisoo.

STARGAZER [COMPLETED] Where stories live. Discover now