4

193 12 0
                                    

Kasama ko ngayon si Avy dahil pupunta kaming SBU para mag-enroll at para makuha 'yong ID namin. Malapit na kasi ang pasukan.

"Saan ba mag-aaral si Zed?" Tanong ko sa kanya. Palabas na kami ngayon ng campus. Tapos na kasi namin makuha 'yung ID namin.

"Sa SU." Sagot niya. "Bakit mo natanong?" Patuloy nito at nginisihan pa ako.

"Hoy! Ang gara ng iniisip mo ah. Tinanong ko lang baka umepal na naman siya pag sa SBU siya." Sagot ko. Tumawa naman siya dahil 'dun.

"Siraulo ka. May coffee shop pala dun tara palamig muna tayo 'don." Sabi nito kaya kinunutan ko siya ng noo.

"Coffee shop? Palamig? Naka-drugs ka ba, Avy?" Sagot ko rito kaya binatukan niya ako.

"May aircon kasi! Utak ay ginagamit, Josh." Sabi nito kaya tumawa ako.

Naglakad na kami papasok sa coffee shop na sinasabi niya. Nag-order lang kami nung pinaka mura at nagpalipas doon ng oras.

"May free wi-fi pala dito. Maka-ML nga muna." Sabi ko at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

"Sali ako." Sabi nito at inilabas din ang cellphone niya.

"Pabuhat ka na naman." Pagbibiro ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin kaya natawa na naman ako.

"Talo ka nga kagabi sa 1v1 natin." Sagot niya. Iyon ang libangan naming dalawa. Maglaro ng online games.

Nakadalawang game na kami nang makita namin si Stell. "Stell!" Tawag ko rito kaya napatingin siya sa amin.

"Naks, may date pala kayo." Sabi nito nang makalapit samin.

"Gago hindi. Galing kami sa SBU." Sagot ko pero tinawanan niya ako.

"Defensive siya, Avy." Turo niya sa 'kin kaya sinipa ko siya. "Pa 'no una na ako. Napadaan lang ako dito para sana mag-apply ng part time job pero may nakuha na pala sila." Sagot nito kaya tumango kami ni Avy.

Mabilis ulit na lumipas ang araw. Bukas ay pasukan na. Hindi naman ako ganon kinakabahan para bukas pero si Avy ito kanina pa sinasabi na kinakabahan siya.

"Para namang tanga, Avy! Talo na tuloy ako!" Inis na sabi ko. Kanina pa kasi siya hampas ng hampas sa braso ko kaya hindi ako nakapag concentrate sa nilalaro ko. Nandito ako ngayon sa bahay nila. Malakas kasi ang wifi nila dito.

"Kasi naman, kinakabahan talaga ako bukas." Sabi na naman niya kaya napailing na lang ako.

"Alam mo kanina mo pa yan sinasabi. Sirang plaka ka ghorl?" Sabi ko rito kaya hinampas na naman niya ako.

"Konti nalang talaga gagantihan na kita." Tinaasan niya ako ng tingin kaya ngumiti ako. "Joke lang." Patuloy ko. Ako nalang gantihan mo, ng pagmamahal.

Nagpatuloy lang kami sa pangdedemonyo sa isat-isa nang may magdoor bell.

Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Ako na. Baka si Zed na 'yan." Sabi nito at tumayo na.

Padabog nalang din akong naupo ulit at napabusangot. Epal talaga, eh. Nalaman lang na nandito ako pupunta din amp.

"Anong itsura 'yan?" Tanong ni Zio. Kapatid ni Avy nang pababa siya galing sa kwarto niya.

"May dumating kasi na epal." Sagot ko. Tumabi naman siya sakin at tinapik ang balikat ko.

"I feel your pain, bro." Sabi nito at tinawanan ako.  "Bawi ka nalang siguro sa next life." Sabi pa niya na tumatawa.

"Ang saya mo, e 'no? Bigwasan kita?" Pagbibiro ko pero tumawa lang ulit kami.

Sabay pa kaming napatingin sa pinto nang pumasok si Avy kasama si Zed.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon