16

179 8 4
                                    

"Nasaan ba 'yung susi mo?" Tanong ni Josh nang makalapit kami sa kotse ko. Siya na daw ang magd-drive.

"Oh shit!" Agad kong pinulot ang bag ko nang mahulog iyon. Anak naman ng bag.

"Ako na nga." Agad niyang inagaw sa akin ang bag ko at siya na ang humanap sa susi ng kotse.

Nang mahanap niya ito ay inalalayan na niya akong pumasok. Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil masakit iyon. Sa susunod talaga ayaw ko ng maglasing.

"'Yung seatbelt mo." Napaayos ako ng upo nang magsalita siya sa tabi ko. Agad ko naman kinuha iyon para ikabit pero hirap akong ikabit kaya hinawakan niya ang kamay ko at siya na ang gumawa non.

Napatitig nalang ako sa kanya habang seryoso sa ginagawa niya. Naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sakin.

Nang magtama ang mga mata namin ay napalunok nalang ako. Sobrang ganda ng mga mata niya. Nalipat ang mata ko sa mga labi niya.

Ilang segundo din akong nakatitig sa mga labi niya hanggang sa napatingin ulit ako sa mata niya. Kunot ang mga noo niya na nakatingin sakin.

"Bakit ba ang sungit mo?" Bulong ko saka ngumuso. "Alam mo kamukha mo yung kaibigan ko." Patuloy ko. Hindi ko na alam kung ano ang lumalabas sa bibig ko. Siguro ay dahil na rin sa alak.

"Miss ko na 'yung Josh na kaibigan ko." Patuloy ko saka umayos ng upo. Napalayo naman siya sakin at umayos din siya ng upo. "Mahal na mahal ko 'yon, eh." Patuloy ko saka tumawa.

"A-anong sabi mo?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya ng nakangiti.

"Kamukha mo talaga siya." Sabi ko pa at inilapit ko pa ang mukha sa kanya.

"Lasing ka na." Sabi nito at itinulak niya ako dahilan para napaayos ulit ako ng upo.

"Hindi ako lasing." Nakapikit na sabi ko. Parang umiikot ang paligid ko nang maramdamang umandar na 'yung kotse.

"Nahihilo ako." Maya-maya ay sabi ko. Naramdaman ko rin na binagalan niya ang pagpapatakbo.

"Inom pa kasi." Rinig kong sabi nito na para bang pinapagalitan niya ako.

"Kasalanan nu'ng Josh na 'yon!" Sigaw ko. Paano ba kasi eh kanina simula noong dumating sila ay ang sama ng tingin niya sakin kaya ayun naparami ang inom ko para lang maiwan ang mga tingin niya!

"Tsk! Tumahimik ka nalang, malapit na tayo sa bahay niyo" sabi nito at sinunod ko nalang.

Iminulat ko ang mga mata ko nang tapikin niya ako. Nakatulog pala ako habang nasa biyahe.

Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan ako at inalalayan na bumaba.

"Kaya ko na." Sabi ko at pinilit ang sarili na makatayo ng tuwid. "Aray ko ah." Sinipa ko pa 'yung pinto namin nang mabangga ako doon.

"Tsk!." Sabi nitong lalaki sa tabi ko at kumatok sa pinto. Sino ba 'to?

"Anong nangyari diyan?" Napatingin kami kay mama nang buksan niya ang pinto.

"Nalasing po." Sagot nitong lalaki at hinila na naman niya ako papasok ng bahay at dinala ata ako sa kwarto ko.

"Sinabi kong huwag kang maglalasing." Sermon ni mama sakin.

Ipinikit ko naman ang mata ko dahil nanlalabo ang paningin ko. Nakahiga na ako dito sa kama.

"Babalik ka pa ba sa condo mo?" Tanong ni mama.

"Opo. Mag-aabang nalang po ako ng taxi na masasakyan." Sagot naman itong lalaking kamukha ni Josh.

"Hindi na. Gabi na at baka wala ng taxi sa ganitong oras. Matulog ka nalang dito." Sagot ni mama. "Sandali at aayusin ko ang kwarto kung saan ka matutulog." Patuloy ni mama at narinig kong naglakad na siya paalis ng kwarto ko.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Where stories live. Discover now