12

180 9 0
                                    

"Hey" napatingin ako sa lalaki na tumabi sa'kin. Nandito ako ngayon sa bar dito sa resort. "Are you alone?" Tanong niya pa.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Sagot ko. Napatawa siya and I saw amusement in his eyes.

"So, you're alone. I'm Chase." Sabi nito at inilahad ang kamay sa'kin.

"Astrea." Tipid na sabi ko at tinanggap ang kamay niya.

"So, are you friends with any member of De Dios family?" He asked. He ordered some drinks sa barista at tumingin ulit sa'kin.

"Yes." Tipid na sagot ko. Wala akong ganang makipag-usap sa kahit na sino ngayon.

"Oh? Is this Justin?" Tanong pa niya kaya palihim akong napairap.

"Yeah." Sagot ko.

"Oh? That asshole." Mahinang sabi nito pero narinig ko kaya napatingin ako sa kanya at kinunutan siya ng noo.

"What?"

"Nothing. Would you mind if I invite you to a dinner?" Pag-iiba niya.

"No." Sagot ko at inalis ang tingin sa kanya. Gwapo na sana siya kaso sa itsura niya palang at sa pananalita nita ay mayabang na.

"Are you dating with my cousin Justin? That's why you don't want to go with me to a dinner?" Sabi pa nito. Hindi ko nalang siya pinansin pero nagsalita ulit siya. "So you dating him?" Patuloy nito kaya hinarap ko na siya.

"Why you so interested?" Inis na sabi ko. Gusto ko ng tahimik na paligid kaya pumunta ako dito hindi para guluhin niya lang.

"Cause I'm interested in you." Sagot niya with a smirk.

"I'm sorry to say but I'm not interested in you." Sagot ko at tumayo na. Paalis na ako doon nang hawakan niya ang braso ko. "Ano ba! Let me go!" Bulyaw ko sa kanya at pilit na binabawi ang braso ko sa kanya pero mas malakas siya.

"You know what, huwag ka nang pabebe. I know you like me." Mayabang na sabi nito at hinila niya ako sa kung saan.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sigaw ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa'kin. "Tulong!" Sigaw ko pa dahil dinala niya ako sa madalim na bahagi ng resort.

"Ganyan ang mga tipo ko, 'yung lumalaban." Ngisi nito kaya biglang nagtaasan ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Nagsimula na akong makaramdam ng takot.

"Tulong!" Sigaw ko pa pero mukhang wala namang nakakarinig sa'kin. "Let me go!" Sigaw ko sa kanya at sinubukan ulit na mabawi ang braso ko pero hindi ko nagawa.

Nagsimula nang mangilid ang luha ko dahil natatakot na ako sa pwede niyang gawin sa'kin. Nanginginig din ang mga kamay ko at parang wala na akong lakas dahil sa takot.

Napapikit nalang ako ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin. Nag-ipon naman ako ng lakas para itulak siya pero mas malakas siya sa'kin kaya wala iyong silbi.

Napamulat ako ng mata nang bigla nalang nawala ang pagkakahawak niya sa'kin at nakita ko siyang nakahandusay na sa lupa.

"Avy," hinawakan ni Josh ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya. "Avy, okay ka lang. Hey!" Hinawakan niya ang mukha ko pero hindi ko magawang magsalita dahil sa panginginig ng mga kamay ko at dahil narin sa takot.

"Hey, it's okay. Nandito na ako." Pagpapakalma niya sa'kin at niyakap ako.

NAGISING ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nasa loob ako ng hotel room.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ang nangyari kanina. Hindi ko maiwasan na makaramdam ulit ng takot dahil dun.

"Tubig." Napatingin ako kay Josh nang biglang siyang sumulpot at inilapag ang isang baso ng tubig sa mesa.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon