5

164 11 0
                                    

"Lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para umasa." Bulong ko at umiwas ng tingin.

"Ha?"

"Manhid ka nga pala." Sagot ko at bumuntong hininga. "Gusto kita." Patuloy ko pa.

Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko sa mukha niya ang gulat. "N-nagjo-joke ka ba?" Mahinang tanong niya. Umiwas ako ng tingin.

"Kung pwede lang, e. Pero hindi." Sagot ko.

Agad siyang tumayo kaya napatingin ako sa kanya.

"B-balik na tayo sa loob. G-gutom lang 'yan." Sabi nito at agad nang bumalik sa loob ng bahay nila. Napabuntong hininga ako at sumunod sa kanya.

"Oh? Uuwi ka na?" Tanong ni Tita nang makita ako na palabas ng bahay nila.

"Ah, opo. Salamat po sa pag-imbita." Sagot ko. Gusto ko nang umuwi at magdrama sa kwarto ko.

"Nagpaalam ka na ba kay Avy?" Tanong pa niya at tumingin pa sa taas kung nasaan ang kwarto ni Avy.

"H-hindi pa po." Sagot ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Bakit may pinag-awayan ba kayo?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

"Umamin po ako sa kanya, e." Sagot ko at napakamot pa ako sa ulo. Alam naman na ng Mama niya ang tungkol sa nararamdaman ko.

"Nako! Kausapin mo na. Alam mo ganyan din ako noon sa Tito mo, hindi siya ang first love ko pero, kita mo naman ngayon, may dalawa na kaming anak." Sabi nito at itinulak pa ako paakyat kaya wala na akong nagawa nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Avy.

Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumagot. Kakatok ulit sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

Parehas kaming umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"A-ah, magpapaalam lang ako na uuwi na." Utal na sabi ko. Gusto ko tuloy suntukin nalang ang sarili ko.

"Sige ingat." Sagot niya at isinara na niya ang pinto.

Bumaba narin ako at nakaabang si Tita sa baba at may mapang-asar na ngiti. "Ano sabi?" Tanong niya kaya natawa nalang ako.

"Sinabi lang po na ingat tapos isinara na ang pinto." Sagot ko. Tinapik naman niya ang balikat ko.

"Ingat Josh. Cheer up anak," sabi nito at natawa kami pareho.

Sinabi kasi ni Tita noon na boto siya sa'kin para kay Avy. Parang sira si Tita. Boto nga sa'yo ang Mama, hindi ka naman mahal niya.

"Avy!" Tawag ko kay Avy nang makita ko siya sa labas ng SBU at nag-aabang na ata ng masasakyan.

"Bakit?" Tanong niya na matamlay. Agad ko naman siyang inakbayan dahilan para bigla siyang umayos ng tayo kaya kumunot ang noo kong tumingin sa kanya.

Deretyo lang ang tingin niya. Napalunok din siya nang nagtama ang mga mata namin.

"Anyare sa'yo?" Takang tanong ko at tinanggal na ang kamay ko sa balikat niya.

"W-wala sige una na ako bye!" Sigaw niya at tumakbo na palayo sa'kin kaya napakamot nalang ako sa ulo dahil ang weird niya ngayon.

Kinabukasan, sinundo ko siya sa bahay nila para sabay na kami pumasok. "Good morning, Avy!" Bati ko sa kanya nang pababa na siya ng hagdan. Nanlaki pa ang mga mata niya kaya kumunot na naman ang noo ko.

"B-bakit ka nandito?" Tanong niya. Tumayo naman ako sa pagkakaupo at lumapit sa kanya kaya napaatras siya.

"Oh, ingat." Hinawakan ko siya sa wrist niya dahil muntik na siyang matumba.

[SB19 IDOL SERIES #1]Still Her | SB19 Josh[COMPLETED]Where stories live. Discover now