SALAMAT SHOPEE

169 14 0
                                    

CARREL's

"Hello Carrel Fandino! Your order with Tracking Number 4588-1989-NMXJ will be delivered today. You may contact your delivery rider at 9300717813 .Also, kindly prepare COD amount of PHP 999 to accept delivery. Thanks."

She sighed as she read the text message she had received. This would be third parcel shes going to receive and take note it's just the second day of the week.

"gurl delivery daw sayo sa baba!" sigaw ni Jasper

"bakla ka pang-ilang delivery na to ha, tuesday pa lang ngayon" tatawa tawang aniya naman ni Andel

"sabi ko nga titigil na ko kaka-online shopping eh" aniya ko naman

"parang three months ko na yan naririnig sayo" banat naman ni Mai

"essentials lang naman yung mga binibili ko." depensa ko pa sa sarili ko

"oo, katulad nung bagong organizer mo sa table." sabat naman ni Jasper

"huy useful kaya yon!" aniya ko naman

"nako bumaba ka na nga don at nag-iintay na yung rider." sabi naman ni Andel kaya umalis na ko para nga bumaba then pagcheck ko sa phone ko mayroong 2 missed calls and a bunch of text messages from the rider.

"ma'am dito na po ako."
"ma'am tama naman po address na nakalagay, saan po kayo ma'am?"
"ma'am di naman po kayo bogus diba? ma'am?!"
"ay wow di nagrereply, ganda ka ba ma'am?"

The audacity of this whoever rider is, may bogus ba na sa gantong company nagtatrabaho? tsaka hello baka tumulo laway niya dahil sa ganda ko! nakakainis nakakasira ng araw. Bwisit.

RAPHAEL's

Halos sampung minuto na rin ako dito sa tapat ng company nung pagdedeliveran ko pero hanggang ngayon di pa rin nababa kaya nagtext na ulit ako at tinawagan ko pa pero di naman nasagot, nakakainis din minsan yung ganitong mga customer eh, di manlang isipin na baka mamaya pala di lang sila yung pagdedeliveran namin.

"ma'am dito na po ako."
"ma'am tama naman po address na nakalagay, saan po kayo ma'am?"
"ma'am di naman po kayo bogus diba? ma'am?!"

Makaalis na nga, mukhang wala namang plano na i-receive yong item. Nagulat ako nung biglang tumunog yung cellphone ko.

"kuya, andito na po ako sa baba."
"kuya, saang banda po kayo?"
"uhm kuya??"

Hinahanap ko naman kung saan banda tong si ma'am pero nakaagaw talaga ng atensyon ko yung babaeng nakatayo sa may di kalayuan sa akin. Ang simple pero ang elegante niya tignan sa suot niya. Nagulat naman ako kasi tumunog yung cellphone ko—si ma'am receiver natawag.

"...okay po ma'am, opo kita ko na po kayo ma'am."

"Delivery po for Miss Carrel Fandino" magalang kong aniya

"magkano po kuya?" tanong naman ni ma'am na mukhang masungit.

"999 po ma'am" di na sumagot si ma'am at kumuha na lamang ng buong one thousand peso bill at iniabot sa akin at binigay ko naman sakaniya yung parcel niya. Aalis na sana ako—

"ay kuya yung sukli ko po?" mataray na tanong ni ma'am

"p–po?" takang tanong ko naman

"ang sabi ko po yung sukli ko po, 999 lang naman po diba? eh one thousand yung binigay ko so technically mayroon pa akong sungkling piso." mahabang litanya naman ni ma'am kaya wala na akong nagawa kundi ibigay yung PISO niya at napakamot na lang ako sa ulo ko.

"maganda sana kuripot lang, antaray pa." pabulong kong aniya

"excuse me lang kuya! maganda talaga ko pero hindi ako mataray at hindi ako kuripot, sadyang mahirap lang talaga kitaan ang pera ngayon ultimo piso." huling saad ni ma'am carrel at umalis na.

KJ OSWhere stories live. Discover now