CLOSURE

72 7 0
                                    

Yearly we do have this summer team building where in  all of the staffs in the entire university were given the 3 day vacation from work. All we need to do is to enjoy and relax.

"Miss Ara!" Bati sa akin ng mga nakakasalubong kong guro dito sa may entrance ng beach resort na pag gaganapan ng aming team building. Hindi ko naman gaanong kakilala personally ang iba pero ngumingiti naman ako sa kanila.

"Jacq!!" I waved my hand as I saw my friend slash co-teacher.

I immediately run to where she at. Minsan kasi may sa bingi din itong kaibigan ko.

"Huy!"

"Ay andiyan ka na pala gurl!!" Aniya ni Jacq at bumeso sa akin. "Kamusta naman biyahe? Hmm kilala pa naman kita magdrive kahit ata truck di mo sasantuhin!"

"Baliw ka!" Aniya ko at bahagyang pinalo ang kaniyang braso. "Dati lang yun. Ang ingat ko na kaya magmaneho ngayon."

Hindi din naman kami nagtagal dahil binigyan na rin kami ng kani-kaniyang room assignments. Syempre kailangan pa rin naming sumunod sa mga boss.

Ako, si Jacq, si Mel, at si Miss Ghie ang magkakasama sa room.

"Girl, mukhang behave tayo neto ah." Pabulong na aniya ni Jacq.

"Sinabi mo pa. Kasama ba naman natin ang Math terror ng University eh." Gatong pa ni Mel.

Mel, Jacq, and I are good friends. Magkaka batch kasi kami nung college. And si Miss Ghie, matandang dalaga yan—binansagan na Math terror ng mga estudyante which is true naman talaga.

"Anong room nga tayo?" Natigilan kaming tatlo sa pagbubulungan at paglalakad ng magsalita si Miss Ghie.

"Uhm room 216 po miss ghie."

"216. Oh eh saan ang punta niyo?"

"Sa room po natin miss." Magalang na sagot ni Mel. "Matandang to, malilimutin yarn." pasimpleng bulong naman ni Jacq habang diretso pa rin na nakatingin kay miss Ghie.

"Oh eh ito na ang room natin." Aniya ni Miss Ghie at sabay sabay kaming napatingin sa room number at oo nga.  "Chismisan pa more." Aniya ni Miss Ghie at nauna nang pumasok sa loob ng room. "And Maam Jacq, hindi pa ako malilimutin." At tuluyan na kaming tinalikuran ni Miss Ghie, naiwan kaming mga nakatulala at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Miss Ghie.

Fast forward to the part where the real team building starts.

Halos mapuno ang hall area ng beach resort dahil sa dami ng staffs ng university. And when you say University and "staffs" means to say na lahat as in, mula elementary department, JHS department, our department—SHS, and lastly the college department.

And the kasiyahan goes on.

"Ay, ito! ito! Pambato ito ng SHS dept sa mga contest contest!!" Huli na bago pa ako makapagprotesta dahil ipinagkaluno na ako ng mga co-teachers ko.

"Sige na, sige na nga."

"Palaban ang ating SHS teachers!! Magpapatalo ba naman ang college dept???" Then yells from the crowd interrupted everything...

"Let's all give it up for college dept's representative!! Ay, eng pegi me nemen ser, single ke pe be?" Kunwaring hinaharot na tanong ni Sir Ryan—our emcee kay Sir Bry—college dept's representative.

KJ OSWhere stories live. Discover now