Kabanata XVII

38.3K 3.2K 554
                                    

BINUHAT ako ni Blue papasok ng room at maingat niya akong inilagay sa aking upuan. Wala siyang pakialam kahit pagtinginan kami ng mga studyante. Kahit nga ang mga classmate namin ay hindi maiwasang pagbulungan kami.

"Are you all right?" Sinilip ni Blue ang mukha.

Tumango lang ako at napayuko.

"Stay here. Kukunin ko lang ang wheelchair mo sa ibaba." Umalis siya at lumabas ng classroom.Naglapitan sa akin ang ilan sa mga kaklase ko para tangungin ako ng kung anu-ano.

"Nanliligaw ba sa 'yo si Blue?"

"Kayo na ba ni Blue?"

"Lagi ba kayong sabay papasok ni Blue?"

"Sabay ba kayong uuwi ni Blue?"

Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong sagutin sa kanila. Wala silang ibang tanong kundi ang tungkol kay Blue.

"Excuse me?" Sumingit si Trudis sa mga classmate din namin sa subject na ito. "No more questions, please. Embry is not in a good shape right now. So shu! Shu!" taboy niya sa mga kaklase namin.

Ilang sandali lang ay humahangos na si Blue dala ang wheelchair ko. Itinabi niya ito sa gilid ko bago siya tumabi sa akin ng upuan. Sa kabilang side ko naman ay tumabi sa akin si Trudis. May naglalarong ngiti sa kanyang mga labi habang nakakatitig siya sa akin.



✟✟✟

HINATID ako ni Blue pauwi at tinulungan niya rin akong makaupo sa wheelchair ko bago niya ako iwan. Hindi ko na siya pinapasok sa bahay. Sa gate pa lang ay pinabalik ko na siya sa sasakyan at pinauwi.

Pinagulong ko na ang wheelchair ko hanggang makalapit ako sa door entrance ng bahay namin.

"Anong oras natapos ang klase mo?" bungad sa akin ni Cross pagpasok ko ng pinto. Naka-plain grey shirt siya at black na sweat pants. Magulo ang buhok as always, mukhang kalalabas lang sa shower room.

FIVE, sagot ko sa isip habang pinapagulong ang wheelchair papasok sa sala.

Napatingin siya sa kanyang suot na wrist watch. "It's 5:30. Anong ginawa mo noong thirty minutes?"

HINATID AKO NI BLUE. OF COURSE, WE'RE IN THE CAR. GUMUGULONG ANG WHEELS NG KOTSE, HINDI LUMILIPAD.

"So ganoon kalayo ang school mo? Thirty minutes?!"

Inirapan ko siya. YOU SOUNDED LIKE A JEALOUS HUSBAND.

Umusok ang ilong niya. "I'm not jealous. It's just that your safety is more important. Ano na lang ang sasabihin ng mga board members ng Maceda Holdings, Inc. kapag may nangyari sa 'yong masama? They might think I plot it to happen."

AT BAKIT KA NAMAN MAG-IISIP NA MAY MANGYAYARING MASAMA SA AKIN?!

"Because I don't trust your guy."

MY GUY?

"What's his name again? Red? Orange? Yellow?!"

IT'S BLUE! Umikot ang bilog ng mga mata ko.

"See? Pangalan pa lang hindi na mapagkakatiwalaan!"

BLUE IS A GOOD MAN!

"How did you know? Ilang taon mo na bang kakilala 'yan?"

INAALAGAAN NIYA AKO SA UNIVERSITY.

When I First Met YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant